ANG PUWERSA NG DAHAS NG WAR ON DRUGS SA TULANG 08/17/17 NI ALLAN POPA

The Force of Violence in the War on Drugs in Allan Popa’s Poem 08/17/17

Authors

  • Jomar G. Adaya Polytechnic University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/f2q1k475

Keywords:

Allan Popa, dating, kritika ng karahasan, tula, war on drugs, critique of violence, poem

Abstract

Ang “war on drugs” o kampanya laban sa ilegal na droga ang pangunahing programang isinulong mula sa panahon ng pangangampanya sa eleksiyon, hanggang sa pag-upo sa pagkapangulo ni Rodrigo Duterte mula 2016 hanggang 2022. Sa kanyang pangakong lilinisin ang bansa sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan, partikular na sa problema sa ilegal na droga at kriminalidad, nanganak ang mga ito ng mga usaping lagpas sa pagsugpo sa krimen. Sa ganitong konteksto nakalugar ang papel na magtutuon sa pagsusuri sa maiikling tula ng manunulat na si Allan Popa partikular na sa kanyang akdang 08/17/17. Gamit ang loob, ligid at lalim bilang lapit sa pagsusuri na ipinapanukala ng iskolar na si Galileo Zafra, tinatangka ng papel na masiyasat kung paanong sa pamamagitan ng maiikling anyo ng panitikan ay maaaring maunawaan at kritikal na masipat ang naratibo ng dahas ng war on drugs, at ang mga puwersang nagpapataw nito sa lipunang Pilipino. Aangkla din ang pagsusuri sa konsepto ng dating ni Bienvenido Lumbera upang magkaroon ng panimulang tanaw sa maaaring naabot ng tula ni Popa sa konteksto ng nagpapatuloy na dahas ng war on drugs, at sa mga punto ng kritika ng karahasan ni Walter Benjamin upang maisuma sa tula ang konsepto ng dahas at puwersang nagpapataw nito, at ang potensyal ng maiikling anyo ng panitikan bilang porma ng kritikang panlipunan. Isang panimulang pagtatangka ang papel na matalakay ang kritikal na gampanin ng panitikan sa pagbibigay-tinig sa kuwento ng mga kabataang tulad ni Kian delos Santos upang maipagpatuloy ang paglulunsad ng mga panawagan ng hustisya para sa mga biktima ng dahas at paggigiit sa karapatang pantao.

The “war on drugs,” or campaign against illegal drugs, was the central program promoted from the election campaign period through the presidency of Rodrigo Duterte from 2016 to 2022. Promising to resolve the nation’s problems with illegal drugs and criminality within just three to six months, this campaign sparked discussions that extended far beyond crime suppression. Within this context, this paper delves into an analysis of Allan Popa’s short poems, focusing particularly on his piece 08/17/17. Employing the analytical framework of loob, ligid, at lalim as proposed by scholar Galileo Zafra, the paper seeks to explore how short literary forms can be instrumental in understanding and critically examining the narrative of violence in the war on drugs and the societal forces enforcing it. The analysis also integrates Bienvenido Lumbera’s concept of dating, offering a preliminary lens on the extent of the poem’s impact amidst the persistent violence of the war on drugs. Furthermore, Walter Benjamin’s critique of violence is used to encapsulate the notions of force and power exercised through violence, emphasizing the potential of short literary forms as a medium of social critique. This paper represents a preliminary effort to underscore literature’s critical role in giving voice to stories of the youth, such as Kian delos Santos, and in sustaining the calls for justice for victims of violence while advocating human rights.

Author Biography

  • Jomar G. Adaya, Polytechnic University of the Philippines

    Nagtuturo ng mga kurso sa panitikan, kultura, at malikhaing pagsulat bilang Kawaksing Propesor sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa, Maynila. Nagsisilbi rin siyang Hepe ng PUP Center for Philippine Studies. Proponent at tagapangasiwa ng proyektong Sudlanan: PUP Online Repository on Philippine Studies, isang onlayn na sinupan ng mga publikasyon sa Araling Pilipino na libreng maaakses ng publiko. Nagtapos siya ng AB Filipinolohiya at MA Filipino sa PUP, at kasalukuyang kumukuha ng programang PhD in Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Kasapi siya ng Concerned Artists of the Philippines, PUP Chapter.

Published

2024-12-31

Issue

Section

Artikulo/Article

How to Cite

ANG PUWERSA NG DAHAS NG WAR ON DRUGS SA TULANG 08/17/17 NI ALLAN POPA: The Force of Violence in the War on Drugs in Allan Popa’s Poem 08/17/17. (2024). Entrada, 10. https://doi.org/10.70922/f2q1k475