Polisiya Hinggil sa Plagyarismo / Plagiarism Policy

Ang Entrada journal ay sumusunod sa Turnitin total similarity score na 15% at pababa. Ang limitasyong ito ay nagsisiguro ng orihinalidad ng isinumiteng akda, habang isinasaalang-alang ang mga lehitimong pagkakatulad na hindi isinasama sa bilang, tulad ng mga pagsipi, karaniwang ginagamit na mga parirala, direktang sipi, talaan ng sanggunian, at mga bibliograpikong entry, sa kondisyong ang mga ito ay wastong naitatala at naisasangguni.

Ang isinumiteng akda ay inaasahang sumasalamin sa orihinal na pagkamalikhain at iskolarship ng tao. Ang mga artikulong makikitang may AI-generated na nilalaman na higit sa 15% ay sasailalim sa mas malalim na pagsusuri ng Lupon ng mga Editor.


Entrada journal adheres to the Turnitin total similarity score of 15% and below. This threshold warrants the originality of the submitted work while considering legitimate similarities to be excluded such as citations and commonly used phrases, direct quotations, bibliographic entries, and references provided they are properly cited.

The submission should reflect original human creativity and scholarship. Articles flagged with AI-generated content above 15% will be subject to further scrutiny by the Editorial Board.