About the Journal

ENTRADA: Ang Dyornal ng Malikhaing Pagsulat at Panitikang Filipino

  • walang kaukulang bayad para sa proseso ng paglalathala (Article Processing Charges)
  • dumaraan ang mga malikhaing akda at pananaliksik sa masinsin at mabusising proseso ng Double- Blind, Peer-Review katuwang ang mga batikan at respetadong manunulat at iskolar sa loob at labas ng bansa
  • libre at bukas itong maa-access sa iba’t ibang mga plataporma (PUP OJS Website, Philippine E-Journals, Google Scholar, Public Knowledge Project, atbp.)

Ang Entrada ay ang natatanging pampanitikang journal ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nagsimulang makapaglathala noong 2014. Lunan at tagpuan ang ito para sa mgabago at batikang manunulat at mananaliksik upang hamunin ang mga posibilidad ng kaalaman, pagkatha, at pagkamalikhain. Naglalathala ito isang beses sa isang taon.

Bukas ang Entrada sa anumang mga paksain at usapin. Gayunman, nilalayon at tinatanganan ng Entrada ang pagpapasulpot ng mga akda at pananaliksik na may matalas na kamalayang panlipunan kasabay ng makabuluhan at masining na pamamaraan ng pag-aakda.

Tinatanggap ng Entrada ang mga sumusunod na genre bagamat hindi nakakulong o limitado lamang sa mga ito. Maaaring magpasa ng mga akdang sumusubok o lumalampas sa kategorisasyon ng mga sumusunod:

  • Maikling Kuwento
  • Dagli (tatlo hanggang lima)
  • Malikhaing sanaysay (personal na sanaysay, memoir, o mga katulad)
  • Isang mahabang tula o koleksyon ng tula (tatlo hanggang lima)
  • Bahagi/kabanata mula sa isang grapikong nobela, o isang graphic short story
  • Bahagi o kabanata ng isang binubuo/proyektong nobela
  • Dulang may isang yugto
  • Kritikal na pananaliksik ukol sa panitikan, at malikhaing pagsulat
  • Anumang hybrid/eksperimental na akda na humahamon sa anyo/nilalaman

Sa pagkakataon na maisama ang mga malikhaing akda/pananaliksik para sa kasalukuyang bolyum, may karapatan ang mga editor na i-edit ang lahat ng materyales na tinatanggap para sa publikasyon. Upang mapaghusay ang nilalaman ng dyornal, ang mga editor ay maaari ring manghingi o magkomisyon ng mga espesyal, non-refereed na mga malikhaing akda/pananaliksik para sa publikasyon sa labas ng mga nabanggit na genre at kategorya.