Mga Gabay sa Awtor / Author Guidelines

Bukas ang Entrada sa anumang mga paksain at usapin. Gayunman, nilalayon at tinatanganan ng dyornal ang pagpapasulpot ng mga akda at pananaliksik na may matalas na kamalayang panlipunan kasabay ng makabuluhan at masining na pamamaraan ng pag-aakda.

Tumatanggap ang Entrada ng mga akda na nakasulat sa Filipino at Ingles, gayundin ng mga akdang nakasulat sa mga rehiyunal na wika na may kalakip na salin sa Filipino o Ingles. Bukas ang dyornal sa mga sumusunod na genre bagamat hindi nakakulong o limitado lamang sa mga ito. Maaaring magpasa ng mga akdang sumusubok o lumalampas sa kategorisasyon ng mga sumusunod:

  • Maikling Kuwento
  • Dagli (tatlo hanggang lima)
  • Malikhaing sanaysay (personal na sanaysay, memoir, o mga katulad)
  • Isang mahabang tula o koleksyon ng tula (tatlo hanggang lima)
  • Bahagi/kabanata mula sa isang grapikong nobela, o isang graphic short story
  • Bahagi o kabanata ng isang binubuo/proyektong nobela
  • Dulang may isang yugto
  • Kritikal na pananaliksik ukol sa panitikan, at malikhaing pagsulat
  • Anumang hybrid/eksperimental na akda na humahamon sa anyo/nilalaman
✓ Ang maikling kuwento, malikhaing sanaysay, dula at tsapter ng nobela ay naglalaman ng 15 hanggang 25 pahina; ang bawat dagli ay naglalaman ng 3 hanggang 5 pahina, o ng kabuuang 15 hanggang 25 pahina ng buong koleksyon; 3 hanggang 5 tula o isang mahabang tula (hindi kahingian ang double spaced); lahat ay titipahin sa 8.5x11 na sukat ng papel, isang pulgadang margin sa lahat ng gilid, double spaced, 12 font size at maaaring nasa Times New Roman o Arial.
 
✓ Sa bahagi ng grapikong nobela, hinihikayat na maglakip ng 250 hanggang 500 salitang sinopsis ng kabuuang grapikong nobela.
 
✓ Ang kritikal na pananaliksik ay naglalaman ng 15 hanggang 25 pahina, sa 8.5x11 na sukat ng papel, isang pulgadang margin sa lahat ng gilid, double spaced, 12 font size at maaaring nasa Times New Roman o Arial at gumagamit ng MLA Citation (9th Edition). Lakipan din ito ng abstrak (300-500 na salita) at limang susing salita.
 
✓ Ang lahat ng mga ipapasang malikhaing akda ay kinakailangang lakipan ng 3 hanggang 5 pahinang poetika na nagpapaliwanag sa proseso/inspirasyon/kumplikasyon at iba pang usapin kaugnay ng ipinasang akda.
 
✓ Lahat ng ipapasang malikhaing akda at pananaliksik ay kinakailangang orihinal at hindi pa naipapasa at nailalathala sa alinmang publikasyon.
 
✓ Lakip ng ipapasang malikhaing akda at pananaliksik ang pormularyo at katunayan ng orihinalidad gayundin ng maikling pagpapakilala sa sarili (bionote) na hindi hihigit sa limang pangungusap. Maaaring makuha rito ang pormularyo at katunayan ng orihinalidad: https://tinyurl.com/5f5ej6kw
 
✓ Ipasa ang mga akda sa entrada@pup.edu.ph gamit ang mga sumusunod na subject: [Wika], [Genre], [Pamagat], [Apelyido ng may-akda]. Halimbawa: Filipino, Maikling Kuwento, Isang Araw, Dela Cruz. Ang mga ipapasang attachment ay kailangang nasa file format na .doc o .docx lamang.
 
Sa pagkakataon na maisama ang mga malikhaing akda/pananaliksik para sa kasalukuyang bolyum, may karapatan ang mga editor na i-edit ang lahat ng materyales na tinatanggap para sa publikasyon. Upang mapaghusay ang nilalaman ng dyornal, ang mga editor ay maaari ring manghingi o magkomisyon ng mga espesyal, non-refereed na mga malikhaing akda/pananaliksik para sa publikasyon sa labas ng mga nabanggit na genre at kategorya.
 
Talaan ng mga Kailangang Isumite (Submission Checklist)
 
✓ Manuskrito na sumusunod sa template ng dyornal at umaayon sa mga panuntunang nakasaad sa dokumentong ito.
✓ Sumusunod sa mga pamantayan ng etika sa pananaliksik at naglalaman ng kinakailangang deklarasyon hinggil sa conflict of interest, pasasalamat (acknowledgement), paggamit ng Generative AI, at pinagmulan ng pondo (funding). Kung mayroon, maaaring magsumite ang mga may-akda ng ethical clearance mula sa alinmang institusyon. Kung wala, dapat maglaman ang artikulo ng pahayag o pagpapatunay na ang pag-aaral ay sumusunod sa mga pamantayang etikal.
✓ Mahigpit na sumusunod sa mga patakaran sa pagsipi at sanggunian ng MLA Citation (9th edition).
✓ Poetika (para sa mga malikhaing akda)
✓ Bionote ng bawat may-akda
 
Ang mga manuskritong hindi sumusunod sa mga panuntunang ito ay tatanggihan o ibabalik bago isailalim sa proseso ng peer review.
 
Para sa karagdagang mga tanong, maaaring makipag-ugnayan sa Punong Editor o mag-email sa entrada@pup.edu.ph. 

Entrada is open to a wide range of themes and issues. However, the journal aims to cultivate and uphold works and research that demonstrate a sharp social consciousness, alongside meaningful and artistic modes of writing.

Entrada accepts submissions written in Filipino and English, as well as works written in regional languages, provided that they are accompanied by a translation into Filipino or English. The journal welcomes the following genres, though it is not limited to them. Submissions that experiment with or transcend these categories are also encouraged:

  • Short Story
  • Flash Fiction (3 to 5 pieces)
  • Creative Nonfiction (e.g., personal essay, memoir, or similar forms)
  • One long poem or a collection of poems (3 to 5 pieces)
  • A chapter/section from a graphic novel or a graphic short story
  • A chapter/section from a novel-in-progress
  • One-act play
  • Critical literary research and creative writing studies
  • Hybrid/experimental works that challenge form and/or content

✓ Short stories, creative nonfiction, plays, and novel chapters should be 15 to 25 pages in length.

✓ Each flash fiction piece should be 3 to 5 pages, or a total of 15 to 25 pages for a collection.

✓ Poetry submissions may consist of 3 to 5 poems or one long poem (double spacing is not required).

✓ All manuscripts must be formatted on 8.5 x 11-inch paper, with 1-inch margins on all sides, double-spaced, using 12-point font in Times New Roman or Arial. 

✓ For graphic novel submissions, authors are encouraged to include a 250–500 word synopsis of the full work.

✓ Critical research articles should be 15 to 25 pages, formatted on 8.5 x 11-inch paper, with 1-inch margins, double-spaced, 12-point font (Times New Roman or Arial), and must follow MLA Citation (9th Edition). These must also include an abstract (300–500 words) and five keywords.

✓ All creative submissions must be accompanied by a 3 to 5-page poetics statement, explaining the process, inspiration, complications, and other relevant concerns related to the work.

✓ All submitted works—creative and scholarly—must be original and must not have been previously submitted to or published in any publication.

✓ Submissions must include an accomplished originality form and a short author bio (bionote) of no more than five sentences. The originality form may be accessed here: https://tinyurl.com/5f5ej6kw

✓ Submissions must be sent to entrada@pup.edu.ph with the subject line formatted as follows: [Language], [Genre], [Title], [Author’s Surname] Example: Filipino, Short Story, Isang Araw, Dela Cruz. Attachments must be in .doc or .docx format only.

In the event that a creative work or research article is selected for inclusion in the current volume, the editors reserve the right to edit all accepted materials for publication. To further enhance the journal’s content, the editors may also solicit or commission special, non-refereed works beyond the stated genres and categories.

Submission Checklist

✓ Manuscript that follows the journal template and complies with the guidelines in this document
✓ Compliance with research ethics, including declarations on conflict of interest, acknowledgements, use of Generative AI, and funding sources. If available, authors may submit ethical clearance from an institution; otherwise, a statement affirming compliance with ethical standards must be included
✓ Strict adherence to MLA Citation (9th Edition)
✓ Poetics statement (for creative works)
✓ Bionote of each author

Manuscripts that do not meet these requirements will be rejected or returned prior to peer review.

For further inquiries, you may contact the Editor-in-Chief or email entrada@pup.edu.ph.