Tuon at Saklaw / Focus and Scope

Ang Entrada ay isang refereed, open-access na dyornal ng malikhaing pagsulat at kritikal na pananaliksik na nakatuon sa panitikang Filipino. Bilang natatanging pampanitikang publikasyon ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, nagsisilbi itong lunan ng interogasyon, paglikha, at pagpapalitan ng mga ideya hinggil sa ugnayan ng wika, panitikan, kultura, at lipunan.

Bukas ang Entrada sa iba’t ibang paksain at larangan; gayunpaman, pinahahalagahan nito ang mga akdang may matalas na kamalayang panlipunan, kasabay ng masining, makabuluhan, at mapangahas na pamamaraan ng pag-aakda. Itinataguyod ng dyornal ang panitikan hindi lamang bilang estetiko at malikhaing gawain, kundi bilang isang anyo ng kritikal na pakikilahok sa mga kontemporaneong usapin—kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga diskurso ng kapangyarihan, identidad, uri, kasarian, kolonyalidad, kasaysayan, wika, paggawa, at globalisasyon.

Sa ganitong balangkas, hinihikayat ng Entrada ang mga akdang:

  • nagsasagawa ng malikhain-kritikal na pagsulat at malikhaing pananaliksik (creative research), kung saan nagsasanib ang teorya at imahinasyon;
  • nagsusulong ng interdisiplinaryong lapit, kabilang ang ugnayan ng panitikan sa mga larangan tulad ng araling kultural, sosyolohiya, pilosopiya, kasaysayan, at media studies;
  • gumagamit ng eksperimental at hybrid na anyo, na lumalampas o humahamon sa tradisyunal na kategorisasyon ng genre;
  • nagbubukas ng mga bagong paraan ng pagbasa, pagsulat, at pag-unawa sa panitikang Filipino sa gitna ng nagbabagong kondisyon ng teknolohiya at global na produksiyon ng kaalaman.

Tinatanggap ng Entrada ang malawak na saklaw ng mga anyo ng akda—mula sa tula, maikling kuwento, dagli, sanaysay, dula, at nobela (o bahagi nito), hanggang sa grapikong naratibo, kritikal na sanaysay, at iba pang anyong hybrid o eksperimental .

Higit pa sa simpleng publikasyon, layunin ng Entrada na magsilbing plataporma ng intelektuwal at malikhaing interbensiyon—isang espasyo kung saan ang panitikan ay patuloy na sinusubok, binabago, at pinapalawak bilang anyo ng kaalaman, kritika, at pakikibaka.


Entrada is a refereed, open-access journal of creative writing and critical research devoted to Filipino literature. As the official literary journal of the Polytechnic University of the Philippines, it serves as a site for inquiry, creation, and exchange at the intersections of language, literature, culture, and society.

While open to a wide range of themes and subject matters, Entrada prioritizes works that demonstrate critical social consciousness alongside aesthetic rigor, formal innovation, and intellectual depth . The journal positions literature not merely as artistic expression, but as a mode of critical engagement with contemporary issues, including—but not limited to—questions of power, identity, class, gender, coloniality, history, language, labor, and globalization.

Within this framework, Entrada encourages submissions that:

  • explore creative-critical writing and creative research, where imaginative practice intersects with theoretical inquiry;
  • adopt interdisciplinary approaches, engaging with fields such as cultural studies, sociology, philosophy, history, and media studies;
  • experiment with hybrid and innovative forms that challenge conventional genre boundaries;
  • rethink literary production and reception in relation to evolving technological and global knowledge systems.

The journal accepts a broad range of forms, including poetry, short fiction, flash fiction, creative nonfiction, drama, novel excerpts, graphic narratives, critical essays, and other experimental or hybrid works .

Beyond publication, Entrada aims to function as a platform for intellectual and creative intervention—a space where literature is continuously reimagined as a form of knowledge production, critique, and transformative practice.