SI TANGE

Authors

  • Soliman A. Santos Polytechnic University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/rjdb2q32

Abstract

Kuwento sa tradisyon ng pusong ang “Tange”. Sa Pilipinas, pinakakilala marahil na pusong si Pilandok. Marami nang mga pag-aaral at muling pagsasalysay ang nagawa ng mga iskolar at manunulat tungkol sa kanya. Nariyan, halimbawa ang serye ng mga kuwentong pambata ni Virgilio S. Almario. Sa mga kuwento ito, ipinakikita ang pagiging tuso ni Pilandok. Karaniwan, ginagamit niya ang katusuhang ito laban sa mga nasa kapangyarihan, e.g., mga datu at prinsipe. Gumagamit ng siste o wit si Pilandok para maisahan niya ang mga nasa kapangyarihan. Napapaniwala niya na isang gintong gong ang isang bahay o pugad ng pukyutan para ipagpalit ng isang supot ng ginto. May ganito ring kuwento tungkol kay Juan Pusong na nakumbinsi ang isang hari na palitan ng ginto ang kanyang ibong nagsasalita, na sa katotohanan ay isang tumpok pala ng taeng kalabaw na tinakpan ng tela. Mahaba pa ang listhan.

Dapat isaalang-alang na ang mga kuwentong ito ay nagmula pa sa oral na tradisyon ng mga Pilipino at patuloy na sumasabay sap ag-usad ng panahon. Sa Hagonoy, Bulacan, may isang lalaki na kung tawagin ay Tana, isa siyang masisteng tao na ginagawang katatawanan ang mga nasa kapangyarihan. Bukod sa kanya, may isa ring kilala sa pangalang Tanto na ganito rin ang katangian. Narinig ko na lamang ang kuwento tungkol sa kanilang dalawa noong ako ay bata pa. Lagi silang nababanggit sa mga kuwentuhan lalo kung nagkakatuwaan o/at nag-iinuman ang mga tao.

Author Biography

  • Soliman A. Santos, Polytechnic University of the Philippines

    Tubong Hagunoy, Bulakan. Mangingisdang nag-aral ng malikhaing pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ang kanyang mga tula at maikling kuwento ay nalathala na sa iba’t ibang publikasyon tulad ng Philippine Collegian, Ani, Kalasag, Palihan, Likhaan, Entrada, at iba pa. Nagwagi ng ilang gantimpala ang kanyang mga tula sa Gawad Rogelio Sikat at sa sentenaryo ni Ka Amado V. Hernandez noong 2003. Naging fellow siya sa tula sa 34th UP National Writers Workshop noong 1999. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng panitikan at malikhaing pagsulat sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Downloads

Published

2022-12-31

Issue

Section

Maikling Kuwento/Short Story