TAGULAYLAY

Authors

  • Ronald A. Atilano Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/j03x8z47

Abstract

Sinisiyasat ng mga tula sa koleksiyong “Tagulaylay” ang mga lamat at guho ng gunita, at gayundin, ang mga sumisibol na dahon at bulaklak mula sa mga siwang nito. Sa limang tula, iisang persona ang bumabagtas sa mga lunan at espasyo ng alamat at kasaysayan upang suriin ang mga sugat at pilat ng karanasang Filipino. Sa landas na ito, bawa’t tula ay isang estasyon: mula sa alamat ng pagkakalikha sa Pilipinas, ang kilusang kontra-diktadurya, ang lumalaganap na rebisyunismo sa kasaysayan, hanggang sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Author Biography

  • Ronald A. Atilano

    Isinilang sa Metro Manila at lumaki sa Dasmariñas, Cavite. Naging kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) at dumalo sa UP National Writers’ Workshop sa Baguio noong 2004 at sa Ateneo Writers’ Workshop sa Quezon City noong 2006. Nalathala ang kaniyang mga tula sa Latay sa Isipan (UST), Ikatlong Bagting ng LIRA, Likhaan 16 (UP), Dx Machina (UP), Santelmo, Manila Times, Tapuzine, Dagmay at Liwayway. Nagwagi ng unang gantimpala ang kaniyang koleksiyong “Pagbabalik-loob sa Paraon” sa Saranggola Awards noong 2022. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Newcastle, Australia.

Downloads

Published

2023-12-31

Issue

Section

Tula/Poetry