KOMPRONTASYON SA LANSI NG PUSÓNG

Authors

  • John Carlo S. Gloria Ateneo De Manila University Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/2x6fqb91

Abstract

Hindi kalabisan ang pagsasabing lampas na sa abot-tanaw ang narating ng mga pag-aaral na may kinalaman sa pusong bilang tauhan sa ating mga kuwentong bayan at naging arketipong nakapanawid sa iba’t ibang tekstuwal na anyo. Ang pusong ay hindi na lamang isang karakter na “mayabang, walang hiya, [at] eskandaloso” sa poklorikong Pilipino (“Pósong”). Buhat nang pahalagahan ng akademya ang bisa ng pag(papa)tawa nang lampas sa gampanin nitong pang-aliw, sumilay ang bisang subersibo ng pusong at naihanay ang mga pagkilos nito sang-ayon sa kapakanan ng masa at kagalingang panlipunan. 

Walang dudang ang pangako at potensiyal ng tula ay nasa himaymay ng inihahayag nitong parikala. Subalit sa panahong magkakasabay tayong ginugupo ng ragasa ng mga sistemang neoliberal na dinadambana mismo ng estado, maituturing ding may ambag na hatid ang pagiging tuwiran ng tula. Sa pagpihit palayo sa diwa ng parikala, tinatangka ng makata sa koleksiyon ang intensifikasyon ng sama-sama nating pag- unawa, na isang paraan sa pagdakip sa huwad at mapagpanggap na pusong.

Author Biography

  • John Carlo S. Gloria, Ateneo De Manila University

    Kasalukuyang guro ng panitikan  sa Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila. Nagtapos siya ng kaniyang Masterado sa Panitikang Filipino sa nasabing institusyon at ng kaniya namang batsilyer sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Mababasa ang naisulat niyang mga tula at kuwento sa ilang antolohiya at dyornal sa loob ng bansa.

Published

2024-12-31

Issue

Section

Tula/Poetry