DISTANSYA SA PANDEMYA, TULOY-TULOY NA PAGTATALÂ: ANG ENTRADA SA 2022, ANG 2022 SA ENTRADA

Authors

  • MJ Rafal Polytechnic University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/65820j98

Abstract

Ngayong taon, at napasimulan na rin noong 2021, hinikayat namin ang mga nag-ambag ng mga malikhaing akda na lakipan ng ‘poetika’ ang kani-kanilang mga akdang isusumite.

Ano ang signipikanteng layon sa likod nito?

Sapagkat, sa kabila ng malinaw nang mga patunay na hindi lamang isang ‘hobby’ ang pagsusulat ng malikhaing akda, sa kabila ng mga programa at kurso kaugnay ng panitikan at malikhaing pagsulat, sa kabila ng pagkilala sa halaga ng ‘creative industries,’ marami pa ring mga atrasadong pag-iisip ang bumabansot sa mga malikhaing akda at itinuturing ito na mas maliit sa kani-kanilang larangan na pinagdadalubhasaan. Hindi naman na marahil kagulat- gulat ang ganitong pagtrato sa panitikan at malikhaing pagsulat, o sa humanidades sa kabuuan. Matagal na rin namang pinag-uusapan ng mga akademiko at intelektuwal ang tinatawag nilang ‘death of humanities,’—ang humanidades bilang “dying area in desperate need of resuscitation” (Maxwell 78).

Kaya nga’t itong pagtatakda ng Entrada na maglaan ng munting mga espasyo sa ‘poetika’ ng mga malikhaing akda ay pagkilala sa halaga ng panitikan at malikhaing pagsulat bilang isang seryosong larangan na kumakaakibat din sa iskolarling proseso ng paggawa at pananaliksik.

Author Biography

  • MJ Rafal, Polytechnic University of the Philippines

    Nagtapos ng kursong A.B. History at M.A. in Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa. Siya ang nagtipon at editor ng PYLON: Isangdaa’t Labing Isang Tula ng mga Makata sa PUP. Mababasa ang kanyang mga tula, sanaysay, kuwento, at pananaliksik sa iba’t ibang mga pambansa at internasyunal na publikasyon. Kasapi siya ng KM64 Writers Collective at Concerned Artists of the Philippines.

Published

2022-12-31

Issue

Section

Introduksiyon/Introduction

How to Cite

DISTANSYA SA PANDEMYA, TULOY-TULOY NA PAGTATALÂ: ANG ENTRADA SA 2022, ANG 2022 SA ENTRADA. (2022). Entrada, 8. https://doi.org/10.70922/65820j98