About the Journal

Ang BISIG ay bilingual na refereed journal na nagtatampok ng mga artikulo o papel pananaliksik hinggil sa kalagayan ng paggawa, anakpawis at kanilang mga pagawaan at komunidad. Ito ay taunang inilalabas ng PUP at pangunahing nagtatampok ng mga pag-aaral sa mga isyu at usaping iniluluwal ng relasyong pang-industriya at panlipunan. Karaniwang nakatuon ang mga paksa sa mga usapin tulad ng unyon at unyonismo, neoliberal na globalisasyon, kilusang manggagawa, kalagayan ng mga anakpawis at iba’t ibang saray nito, kalagayan ng mga industriya, at iba pang katulad. Maaaring ang paksa ay tumatawid o naghuhugpong sa mga disiplina tulad ng kasaysayan, sosyolohiya, politika, ekonomiya, sikolohiya, pagpapaunlad sa pamayanan at lipunan, wika, sining, kultura, kasarian, kababaihan, diaspora, agham, teknolohiya at iba pa tungo sa paglapit na multi/interdisiplinaryo. Tumatanggap din ng mga kontribusyon sa anyo ng rebyu ng aklat, komentaryo, transkrip ng talakayan, at mga akdang pampanitikan, basta nakatuon ito sa mga nabanggit na paksa.

Current Issue

Vol. 6 No. 1 (2024): Bisig: Natatanging Isyu sa Pangmatagalang Kapayapaang Nakabatay sa Katarungan (Special Issue on Just and Lasting Peace)
View All Issues