Editorial Board
Ang BISIG ay bilingual na refereed journal na nagtatampok ng mga artikulo o papel pananaliksik hinggil sa kalagayan ng paggawa, anakpawis at kanilang mga pagawaan at komunidad. Ito ay taunang inilalabas ng PUP at pangunahing nagtatampok ng mga pag-aaral sa mga isyu at usaping iniluluwal ng relasyong pang-industriya at panlipunan. Karaniwang nakatuon ang mga paksa sa mga usapin tulad ng unyon at unyonismo, neoliberal na globalisasyon, kilusang manggagawa, kalagayan ng mga anakpawis at iba’t ibang saray nito, kalagayan ng mga industriya, at iba pang katulad. Maaaring ang paksa ay tumatawid o naghuhugpong sa mga disiplina tulad ng kasaysayan, sosyolohiya, politika, ekonomiya, sikolohiya, pagpapaunlad sa pamayanan at lipunan, wika, sining, kultura, kasarian, kababaihan, diaspora, agham, teknolohiya at iba pa tungo sa paglapit na multi/interdisiplinaryo. Tumatanggap din ng mga kontribusyon sa anyo ng rebyu ng aklat, komentaryo, transkrip ng talakayan, at mga akdang pampanitikan, basta nakatuon ito sa mga nabanggit na paksa.
Layunin ng Bisig na maipagpatuloy at higit pang maisulong ang mga nasimulang adhikain ng intelektuwal at makabayang edukador na si Dr. Nemesio Prudente, sa pamamagitan ng mga akdang dumadalumat sa mga penomenang may kaugnayan sa paggawa at panlipunan tungo sa maunlad, malaya at mapayapang Pilipinas.
LUPON NG MGA EDITOR
JOMAR G. ADAYA
Punong Patnugot
RIMANDO E. FELICIA
Kawaksing Editor
Atty. REBECCA CHATO
Kawaksing Editor
PRESTOLINE S. SUYAT
Tagapamahalang Editor
JESUSANA DEJITO
Layout
LUPON NG MGA KONSULTANT
DAVID MICHAEL M. SAN JUAN, PhD EPIFANIO SAN JUAN JR.
De La Salle University W. E. D. Du Bois Institute, Harvard University, at Wesleyan University, U.S.A
NANCY KIMUELL-GABRIEL, PhD RAMON GUILLERMO, PhD
University of the Philippines Diliman University of the Philippines Diliman
FRANCIS GEALOGO, PhD JUDY T. TAGUIWALO, PhD
Ateneo de Manila University University of the Philippines Diliman
MICHAEL PANTE, PhD PAUL QUINTOS
Ateneo de Manila University City University of Hongkong
ANGELITO MANALILI
University of the Philippines Diliman