Focus and Scope
BISIG is a bilingual refereed journal which features articles and research on workers, their working places and communities. This is published annually by PUP which primarily discusses issues born out of industrial and social relations. It highlights topics on unions and unionism, neoliberal globalization, workers movement, conditions of toiling masses, industry situations and the like. The topics can also tackle issues across disciplines like history, sociology, politics, economy, psychology, development of communities and society, language, arts, culture, gender, women, diaspora, science, technology and others towards multi and inter disciplinary correlation and discussion. The journal also welcomes contributions on book review, commentary, interview transcriptions, and literary pieces, provided that they conform with the prescribed topics.
BISIG also aims to continue and further advance the aspirations of the great intellectual and nationalist educator Dr. Nemesio Prudente through manuscripts which tackles the phenomenon of labor and social relations towards a prosperous, independent and peaceful Philippines.
(Ang BISIG ay bilingual na refereed journal na nagtatampok ng mga artikulo o papel pananaliksik hinggil sa kalagayan ng paggawa, anakpawis at kanilang mga pagawaan at komunidad. Ito ay taunang inilalabas ng PUP at pangunahing nagtatampok ng mga pag-aaral sa mga isyu at usaping iniluluwal ng relasyong pang-industriya at panlipunan. Karaniwang nakatuon ang mga paksa sa mga usapin tulad ng unyon at unyonismo, neoliberal na globalisasyon, kilusang manggagawa, kalagayan ng mga anakpawis at iba’t ibang saray nito, kalagayan ng mga industriya, at iba pang katulad. Maaaring ang paksa ay tumatawid o naghuhugpong sa mga disiplina tulad ng kasaysayan, sosyolohiya, politika, ekonomiya, sikolohiya, pagpapaunlad sa pamayanan at lipunan, wika, sining, kultura, kasarian, kababaihan, diaspora, agham, teknolohiya at iba pa tungo sa paglapit na multi/interdisiplinaryo. Tumatanggap din ng mga kontribusyon sa anyo ng rebyu ng aklat, komentaryo, transkrip ng talakayan, at mga akdang pampanitikan, basta nakatuon ito sa mga nabanggit na paksa.
Layunin ng BISIG na maipagpatuloy at higit pang maisulong ang mga nasimulang adhikain ng intelektuwal at makabayang edukador na si Dr. Nemesio Prudente, sa pamamagitan ng mga akdang dumadalumat sa mga penomenang may kaugnayan sa paggawa at panlipunan tungo sa maunlad, malaya at mapayapang Pilipinas.)