About the Journal
Ang BISIG ay bilingual na refereed journal na nagtatampok ng mga artikulo o papel pananaliksik hinggil sa kalagayan ng sektor ng paggawa at mga komunidad sa Pilipinas na taunang inilalabas ng PUP. Pangunahing itinatampok nito ang mga pag-aaral na sumisipat sa mga napapanahong isyu hinggil sa kalagayan ng mga manggagawa, anakpawis at kanilang mga komunidad. Karaniwang nakatuon ang mga paksa sa mga usapin tulad ng unyonismo, globalisasyon, neoliberal na polisiya, kilusang paggawa, karapatan at kalagayan ng anakpawis, relasyon at kalagayan ng mga industriya, at iba pang katulad. Maaaring ang paksa ay tumatawid sa iba pang disiplina tulad ng kasaysayan, politika, ekonomiya, sikolohiya, wika, sining, kultura, kasarian, kababaihan, diaspora, agham, teknolohiya at iba pa tungo sa paglapit na multi/interdisiplinaryo.
Layunin ng Bisig na maipagpatuloy at lalo pang mapaigting ang mga nasimulang adhikain para sa manggagawang intelektuwal at makabayang edukador na si Dr. Nemesio Prudente, sa pamamagitan ng mga pananaliksik na dumadalumat sa mga penomenang may kaugnayan sa paggawa at ugnayang pang-industriya sa Pilipinas.