Submissions

Login or Register to make a submission.

Author Guidelines

Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala o naisusumite para sa konsiderasyon ng ibang publikasyon o journal ang papel-pananaliksik, elektroniko man o limbag na anyo. Dumadaan sa prosesong double-blind peer review ang mga papel-pananaliksik na ipinapasa kaya naman nararapat na hindi ilagay ang anumang pagkakakilanlan sa kahit saang bahagi ng artikulo. Isasaalang-alang ang mga sumusunod na kahingian para sa isusumiteng artikulo:

  1. Naka-encode o kompyuterisado (MS Word doc.), doble-espasyo at gumagamit ng font na Arial na 12 ang puntos na binubuo ng 20-30 pahina.
  2. May lakip na abstrak na nakasulat sa wikang Filipino at Ingles na may 200-300 na salita at susing salita na hindi lalagpas sa apat.
  3. Nakaayon ang dokumentasyon sa estilong APA 7th edition.
  4. Maaaring nakasulat sa wikang Filipino o Ingles ang papel-pananaliksik at kung sakaling nasa ibang wika, marapat na isalin ito sa Filipino o Ingles at tanging ang salin ang ilalathala.
  5. Ang ipapasang artikulo ay maaaring bahagi ng tesis, disertasyon, mga tala, rebyu ng aklat o pelikula, komentaryo o papel na natalakay sa seminar o kumperensiya, at iba pang katulad.
  6. Maaaring lakipan ng biswal na materyal gaya ng orihinal na kuhang-larawan, ilustrasyon, graph, matrix, mapa at iba pang katulad. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso sa anumang materyal na may karapatang-ari.
  7. Kalakip ng isusumiteng artikulo ang hindi lalagpas sa sampung pangungusap na bionote o tungkol sa awtor.

Kung may paglilinaw o katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Research Publication Office, Rm. 425, South Wing, Main Academic Bldg., Polytechnic University of the Philippines A. Mabing Campus, Sta. Mesa, Manila.

Submission Preparation Checklist

All submissions must meet the following requirements.

  • This submission meets the requirements outlined in the Author Guidelines.
  • This submission has not been previously published, nor is it before another journal for consideration.
  • All references have been checked for accuracy and completeness.
  • All tables and figures have been numbered and labeled.
  • Permission has been obtained to publish all photos, datasets and other material provided with this submission.

Articles

Section default policy

Privacy Statement

The names and email addresses entered in this journal site will be used exclusively for the stated purposes of this journal and will not be made available for any other purpose or to any other party.