Author Guidelines
KAHINGIAN SA PAGPAPASA NG ARTIKULO
Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala o naisusumite para sa konsiderasyon ng ibang publikasyon o dyornal ang mga artikulo, elektroniko man o limbag na anyo. Dumadaan sa prosesong double-blind peer review ang mga isusumiteng artikulo na nakaayon sa mga sumusunod na kahingian:
- Ilakip ang mga sumusunod na pagkakakilanlan ng awtor sa manuskrito:
- Pangalan
- Organisasyon/Institusyong kinabibilangan
- E-mail Address
- Naka-encode o kompyuterisado (MS Word doc.), doble-espasyo at gumagamit ng font na Arial na 12 ang puntos na binubuo ng 6,000-9,000 na salita na kasama ang abstrak at mga sanggunian. Para sa rebyu ng aklat at komentaryo, binubuo dapat ang artikulo ng hindi lalagpas sa 4,000 na salita.
- May lakip na abstrak na nakasulat sa wikang Filipino at Ingles na may 200-300 na salita at susing salita na hindi lalagpas sa lima.
- Nakaayon ang dokumentasyon sa estilong APA 7th
- Maaaring nakasulat sa wikang Filipino o Ingles ang artikulo at kung sakaling nasa ibang wika, marapat na isalin ito sa Filipino o Ingles at tanging ang salin ang ilalathala.
- Ang ipapasang artikulo ay maaaring bahagi ng tesis, disertasyon, mga tala, rebyu ng aklat, komentaryo o papel na natalakay sa seminar o kumperensiya, at iba pang katulad.
- Kung salin ng naisulat na artikulo o pananaliksik na naunang nailathala sa ibang dyornal, nararapat na maglakip ng katunayan na pinahihintulutang muling mailathala ito sa Bisig.
- Maaaring lakipan ng biswal na materyal gaya ng orihinal na kuhang-larawan, ilustrasyon, graph, matrix, mapa at iba pang katulad. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso sa anumang materyal na may karapatang-ari.
- Para sa akdang pampanitikan, tumatanggap ang patnugutan ng tula (isang mahabang tula o 3 – 5 na koleksyon), katha (1 maikling kuwento; 2 – 5 dagli), at malikhaing sanaysay (1 personal na sanaysay o memoir). Isasailalim din ito sa proseso ng double-blind peer review.
- Kalakip ng isusumiteng kontribusyon ang hindi lalagpas sa sampung pangungusap na bionote o tungkol sa awtor.
Maaaring isumite ang kontribusyon sa bisig@pup.edu.ph. Tumatanggap ang Bisig ng mga kontribusyon sa buong taon. Kung may paglilinaw o katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Managing Editor ng Bisig na si Assoc. Prof. Prestoline S. Suyat mula sa tanggapan ng Research Publication Office, Rm. 425, South Wing, Main Academic Bldg., Polytechnic University of the Philippines A. Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila.