Praxis ng rebeldeng pamamahala ng Kilusang Pambansa-Demokratiko at Posibilidad ng Muling Pagbubukas ng Usapang Pangkapayapaan
DOI:
https://doi.org/10.70922/wxv5wv48Keywords:
rebeldeng pamamahala, rebel service provision, rebolusyonaryong gubyerno, usapang pangkapayapaan, Kilusang Pambansa-DemokratikoAbstract
Sa Pilipinas, umiiral ang isang digmaang sibil at, sa ilang bahagi ng kasaysayan, ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at mga rebolusyonaryo ng Kilusang Pambansa-Demokratiko. Gamit ang konsepto ng rebeldeng pamamahala (rebel governance), tumutugon ang papel na ito sa kakulangan ng iskolarsyip sa rebolusyonaryong gubyerno sa Pilipinas at nagmumuni sa sitwasyong untul (deadlock) ng usapang pangkapayapaan. Batay sa kalitatibong panunuri ng nilalaman ng mga artikulo ni Patnubay de Guia, tagapagsalita ng National Democratic Front of the PhilippinesSouthern Tagalog, mula 2019 hanggang 2023 at mga artikulo ng Ang Bayan at Liberation, isinalarawan ang praxis ng rebeldeng pamamahala ayon sa pag-iral nito sa aspekto ng karahasan, kontrol sa teritoryo, pamamahagi ng rebeldeng serbisyo, at lokal na iniinugang konteksto para sa pampublikong layunin ng rebolusyon. Proposisyon din ng papel na positibo ang epekto ng mataas na pamamahagi ng rebeldeng serbisyo sa posibilidad ng muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan, na siyang pinaka-ideyal na scenario, dahil nakaangkla iyon sa motibasyon ng kilusang magrebolusyon at magpapalakas sa kanilang puwersa na magtutulak naman sa gubyernong humarap sa lamesang pangkapayapaan. Mahalaga ang implikasyong teoretikal at praktikal ng pag-aaral na ito sa pagdalumat sa ugnayan ng digmaang sibil at usapang pangkapayapaan na hindi pa gaanong napagaaralan sa konteksto ng Pilipinas tungo sa pagbabasura ng militaristang kontra insurhensiya at pagbubuo ng mga mas matatag at demokratikong politikal na institusyon pagkatapos ng armadong tunggalian.
Downloads
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 BISIG

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.