PARA KAY NAJWA

Authors

  • Stefani J. Alvarez Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/g4er5w15

Abstract

Kabilang ito sa higit dalawang daang maiiksing akda sa “Mahal Kong Sol”, isang serye ng tila talaarawan at liham para kay ‘Sol,’ isang inilarawang personipikasyon ng 254-taon na kastilyo ng Akademie Schloss Solitude— ang international fellowship sa Stuttgart kung saan naging artist-in- residence ako noong Abril 2023 hanggang Enero 2024. Ang mga liham na ito ay maaaring isang pahayag tungkol sa pag-iisa at pagiging diaspora, at bilang pakikiisa sa Palestina, at sa mga dahilan kung bakit ko piniling magsulat. Inihahandog ko rin ito sa naging kaibigan kong Palestinang makata at aktibista na si Najwa Juma na kasalukuyang refugee sa Alemanya.

Author Biography

  • Stefani J. Alvarez

    Isang transdisciplinary artist. Naging OFW sa Saudi Arabia noong 2008 hanggang 2022. Nagkamit siya ng National Book Award ng Manila Critics’ Circle para sa Best Book of Non-Fiction Prose in Filipino para sa kaniyang unang librong Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga (Visprint, 2015). Kinilala rin sa nasabing parangal para sa Best Book of Short Fiction ang kaniyang nobelang Kagay-an, At Isang Pag- Ibig Sa Panahon ng All-Out War (Psicom-Literati, 2019). Ilan sa kaniyang collaborative projects mula literary exhibit, mixed- media installations at performance art videos ay itinanghal sa Hongkong, Dubai, New York, Stuttgart, at London. Pinagkalooban ng 10-month art residency bilang textual fellow sa Akademie Schloss Solitude sa Stuttgart, Germany para sa kaniyang The Other Lady Gaga Project. Bisitahin ang kaniyang website: stefanijalvarez.com.

Published

2024-12-31

Issue

Section

Sanaysay/Creative Nonfiction