KUNDI DUGO AY HANGIN

Authors

  • Alec Joshua Paradeza Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/k60y7295

Abstract

Tinatangka ng kwentong bagtasin ang mga distansya. Una, ang layo ng dagat sa bundok—ang layo ko sa Tapulao, ang layo ko sa Pinatubo, ang layo ko sa pangangalbo ng mga bundok ng Santa Cruz, at kung paanong kahit buong buhay nang nakatira sa bayan na ito ay naging bulag at malayo pa rin sa paglalapastangan sa mga ito. Pangalawa, ang pagitan ko at ng aking ina di lamang sa geographical kundi temporal—kailan kami magtatagpo, gaano katagal.

Nais ng kwentong tignan ang pagkakatali ng tao sa alaala at alaala sa tao; at, kung paanong sala-salabit ang mga koneksyon at relasyong personal sa mas malawak na hawi ng kasaysayan. Hinihiling ng kwento na bagtasin ang dugtong ng anak sa ina, ng mga anak sa mga ina, kahit hindi kadugo, kahit iisang hangin lang ang mapagsasaluhan ng mga magkahiwalay na katawan.

Author Biography

  • Alec Joshua Paradeza

    Isang manunulat tubong Zambales. Napabilang na siya sa iba’t ibang palihan gaya ng Iyas National Writers’ Workshop, Palihang Rogelio Sicat, at Amelia Lapeña Bonifacio Writers Workshop. Pinagpala rin siyang magwagi sa ilang mga patimpalak sa panitikan, kabilang ang Normal Awards at Palanca Awards, maging sa experimental short films. Sa kasalukuyan, sinusubukan niyang isapapel ang mga tinatanaw na posibilidad ng queer narratives—o anumang attributes nito—at kung paanong ang kwento ay sabay na pagbubuo ng mundo sa sarili at pagbubuo ng sarili sa mundo. Mahilig siya sa tokwa.

Published

2024-12-31

Issue

Section

Maikling Kuwento/Short Story