BANGKAY NI FORTUN

Authors

  • Ronel Osias Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/8w7k9q83

Abstract

Sa gitna ng mga banta, matapang na nagagawa ni Dr. Raquel Fortun ang pagsisiwalat nang tunay na dahilan ng kamatayan ng mga ilang biktima ng “Giyera Kontra Droga” ni Rodrigo Duterte. Lumalantad sa kaniyang pagsisiyasat sa mga labí ang wala sa mga dokumentong inilalabas ng awtoridad. Siya lamang ang natatanging pathologist na nagsusuri sa mga ganitong kaso sa ating bansa, kaya naman hindi maikakailang nasa kaniya ang atensyon ng mga kapulisan sa tuwing darating na sa kaniyang mga kamay ang pagkakataong tingnan ang mga bankay.

Pagtatangka ang koleksyong ito sa mga danas ni Fortun, hindi na masasabing tagpo ng mga biktima, at ang mga dagdag na bigat sa bawat pagtuklas. Binubuo sa tula ang mga alaala ng nawala, gayundin, magsilbing ugong sa mga tinig na naikulong sa dibdib na api.

Author Biography

  • Ronel Osias

    Isang guro, at rehistradong manunulat. Kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), at Midnight Collective. Naging fellow, at itinanghal na isa sa apat na Pinakamahuhusay na Manunula sa SPEAKS-Up! Spoken Word Poetry Workshop 2020 ng PETA Lingap Sining. Nailathala na ang ilan sa kaniyang mga akda sa Liwayway Magazine, Lagda (Journal ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas), Pitong Pantig, Pintig, at Pagitan ng NCCA, sa una, at ikalimang isyu ng Santelmo ng San Anselmo Publication, Inc. at sa antolohiyang To Let The Light In ng Sing Lit Station sa Singapore.

Published

2024-12-31

Issue

Section

Tula/Poetry