MGA TALÂ SA KAWALAN [BEA CAMACHO]

Authors

  • Mesándel Virtusio Arguelles De La Salle University Manila Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/6acx8374

Abstract

Ang “Mga Talâ sa Kawalan” ay huling tula sa huling tomo sa proyektong Sonetoismo (di-pa-nalalathala), na isang septolohiya. Isinusulong sa Sonetoismo ang imbestigasyon at interogasyon ng anyo ng soneto sa pamamagitan ng pagpapakita o pagpapamalay ng proseso ng pagbubuo- pagbabaklas ng mga soneto. Sa ganito, binibigyang diin ang soneto o ang sonetong sunuran bilang proseso at ang anyo hindi lang bilang hubog kundi, ang mas mahalaga, bilang puwersa at politika, dahil sa pagkasangkapan sa anyo ng sunuran.

Author Biography

  • Mesándel Virtusio Arguelles, De La Salle University Manila

    Editor, tagasalin, at guro ng panitikan at malikhaing pagsulat sa De La Salle University- Manila—kung saan siya nagtapos ng PhD sa Literatura. Saklaw ng kanyang interes ang kontemporanyong sining, konseptuwal na pagsulat, pelikula at bidyo, instalasyon, found object, at eksperimentasyong text-based kaugnay ng mga konsepto ng panahon, alaala, wika, kawalan, kaakuhan, anonimidad, sex, at intimacy. Ang mga salin sa Ingles ni Kristine Ong Muslim ng kanyang mga tula ay nalathala na sa Asymptote, Words Without Borders, Copper Nickel, Poetry London, at iba pa. Nagawaran ng Gantimpalang Palanca at Maningning Miclat Poetry Award at fellowship mula sa UP National Writers’ Workshop at Bienvenido N. Santos Creative Writing Center National Workshop on Art and Cultural Criticism, awtor siya ng higit 20 aklat kabilang ang Twelve Clay Birds: Selected Poems (University of the Philippines Press, 2021), Asinkrono: Isang Nobela (De La Salle University Publishing House, 2021), at Ang Aming Lungkot ay Amin (Librong LIRA, 2023).

Published

2024-12-31

Issue

Section

Tula/Poetry

How to Cite