ANG PAGHAHANAP SA MGA PUTOL-PUTOL NA NARATIBO, O KUNG BAKIT MAHALAGANG BUUIN ANG MGA MUMUNTING KASAYSAYAN

Authors

  • Jun Cruz Reyes Polytechnic University of the Philippines/University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/ppsdk746

Abstract

Paano na tayo magtatalâ, o ano na ang mga itatalâ sa panahon ng pambubura ng mga talâ?

Malaking hamon ito sa mga tradisyunal na gawain ng mga manunulat. Tala kontra talâ, pagsusulat versus pagbubura o rebisyon ng mga talâ. Ang talâ ng social media ay mukhang pang- ingay lamang at para sa oras na ito lamang kaya madaling mabago at mapalitan. At sa panahong ito gusto kong hanapin at talakayin ang mga putol-putol na naratibo. Putol-putol kasi hindi natutuloy, kung minsa’y naliligaw ng landas. Puwede rin itong hamon sa pagbubuo ng mga mumunting kasaysayan, para mabuo ang talâ mula sa laylayan. Ang gagamitin kong mga datos dito, hangga’t maaari, ay iyong sa PUP mismo o ano ang papel ng PUP sa pagbubuo ng little history sa panahon ng pambubura sa kasaysayan.

Author Biography

  • Jun Cruz Reyes, Polytechnic University of the Philippines/University of the Philippines

    Mas kilala sa tawag na “Amang” ng mga manunulat na kanyang ginabayan ay isa sa mga natatanging muhon ng panitikang Filipino at isa sa mga pinakamahahalagang manunulat ng Pilipinas. Ilan sa kanyang mga akda na nagkamit ng gantimpala sa Palanca Memorial Awards ay ang “Isang Lumang Kuwento” (maikling kuwento, 1973), at Tutubi, Tutubi Huwag kang Pahuhuli sa Mamang Salbahe (nobela, 1983). Nanalo rin ng National Book Award ang kanyang unang libro na Utos ng Hari at Iba pang Kuwento, gayundin ang natamong pagkilala ng kanyang librong Tutubi, Tutubi... at Etsa-pwera. Ilan pa sa kanyang mga libro ay Ilang Talang Luma Buhat sa Talaarawan ng Isang May Nunal sa Talampakan (1998), Armando (2006), Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon (2011), Ka Amado (2012), Panaghoy, Pagtutol (2021), at Hu U Rizal? (2022), bukod pa sa maraming antolohiyang kanyang pinamatnugutan. Tumanggap din siya ng iba’t ibang parangal tulad ng Dangal ng Lipi (1994), Gawad Alagad ni Balagtas (2002), at SEA Write Award (2014). Kasalukuyan siyang nagtuturo ng mga kurso sa malikhaing pagsulat at panitikan sa UP at PUP.

Published

2022-12-31

Issue

Section

Lektura/Lecture

How to Cite

ANG PAGHAHANAP SA MGA PUTOL-PUTOL NA NARATIBO, O KUNG BAKIT MAHALAGANG BUUIN ANG MGA MUMUNTING KASAYSAYAN. (2022). Entrada, 8. https://doi.org/10.70922/ppsdk746