SA REPOSITORYO NG MGA KULTURANG MATERYAL: PERSONAL NA TALA NG PAGLALAKBAY UKOL SA MGA MUSEO SA IBAYONG DAGAT NG ASYA-PASIPIKO AT EUROPA

Authors

  • Axle Christien Tugano University of the Philippines Los Baños Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/d8797v42

Abstract

Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, at pag-alala sa mga ito. Sa bawat museo, naitatanghal ba ang mga katutubo, kolonyal, o post- kolonyal na kaisipan at pagpapakahulugan? Patas ba ang pakikisangkot ng bayan bilang nilalaman at bida ng mga museo, o tagatangkilik o tagamasid lamang sila sapagkat dinodomina na rin ito ng mga naghahari at makapangyarihang naratibo?

Aambagan ng sanaysay na ito ang napapanahon at makabagong pagtingin sa museolohiyang kakawala sa naghaharing pananaw at pamantayan ng Kanluran—na kadalasa’y nagtanghal, walang humpay na nagbigay ng pagpapakahulugan, sa Silangan nitong mga nagdaang panahon. Bagaman hinugot at isinentro ito mula sa mga personal na paglalakbay, pagsusuruy-suroy, at obserbasyon ng may-akda sa mga museo nang siya’y maglakbay sa iba’t ibang bansa sa Asya-Pasipiko at Europa sa pagitan ng taong 2014 at huling bahagi ng 2019, naglatag naman ito ng ilang kritikal na pagsusuri at pagtingin tungkol sa (1) pagkakahati at nilalaman ng mga museong kanyang narating; (2) kalagayan ng mga artifact (sampu ng mga posibleng isyu rito); at (3) representasyon at layuning “isabansa” ang mga museo, na siyang maaaring ilapat din sa lipunang Pilipino. Liban pa rito, nilayon din ng sanaysay na ambagan ang umuusbong na Araling Kabanwahan—ang pag-aaral tungkol sa ugnayan/pag-uugnay-ugnay ng Pilipinas at ng mga ibang bayan sa labas nito na umaayon sa diwa, talastasan, at tunguhin ng pagka-Pilipino.

Author Biography

  • Axle Christien Tugano, University of the Philippines Los Baños

    Kasalukuyang instruktor ng Kasaysayan sa Division of History, Department of Social Sciences, University of the Philippines Los Baños, Laguna. Nagtapos ng B.A. History sa Polytechnic University of the Philippines Manila (batch valedictorian, magna cum laude). Tinatapos ang kaniyang M.A. Philippine Studies sa Asian Center, University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Nakapaglimbag ng mga artikulo sa mga refiradong dyornal sa Diliman Review, Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature, at Asian Studies: Journal of Critical Perspectives on Asia ng UP Diliman; Katipunan Journal ng Ateneo de Manila University; Dalumat E-Journal; Tala Kasaysayan Journal; at Hasaan Journal ng University of Santo Tomas; Social Science and Development Review, Mabini Review, at Bisig Journal ng PUP Manila; Saliksik E-Journal ng Bagong Kasaysayan Inc. (BAKAS); Kawing Journal ng Pambansang Samahan ng Linggwistika at Literaturang Filipino, ang papalabas na mga artikulo sa Plaridel: A Philippine Journal of Communication, Media, and Society at Diliman Gender Review ng UP Diliman at Journal of Philippine Local History & Heritage ng National Historical Commission of the Philippines; at ilang pag- aaral na inilathala ng ATAGAN Tayabas; ADHIKA ng Pilipinas at National Commission for Culture and the Arts; at Center for Philippine Studies ng PUP. Editor ng aklat na Martes sa Escaler: Klase sa Historiograpiya ni Dr. Zeus Salazar (2019). Nakapagsulat ng mga pag-aaral tungkol sa lokal na kasaysayan ng Marikina, halimbawa ang talambuhay ni Kapitan Moy; kasaysayang institusyonal ng Marikina Sports Center, pedagohiya ng pagtuturo sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo (2021), at kasaysayang pangkapaligiran na tumuon sa mga pagbaha. Kasamang tagapagtatag at nagsisilbing pangulo ng Kapisanan ng mga Mananaliksik sa Kasaysayan ng Marikina (KAMAKASAMA) na naglalayong isulong ang pag-aaral ng lokal na kasaysayan ng Marikina. Noong 2021, natanggap niya ang karangalan bilang Mananaysay ng Taon 2021, Ikatlong Gantimpala na iginawad ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang kaniyang interes sa pananaliksik ay nakatuon sa araling pangmanlalakbay, diaspora at/o migrasyon, ugnayan ng Pilipinas sa ibayong dagat at Timog Silangang Asya, identity studies, at lokal na kasaysayan.

Published

2022-12-31

Issue

Section

Artikulo/Article

How to Cite

SA REPOSITORYO NG MGA KULTURANG MATERYAL: PERSONAL NA TALA NG PAGLALAKBAY UKOL SA MGA MUSEO SA IBAYONG DAGAT NG ASYA-PASIPIKO AT EUROPA. (2022). Entrada, 8. https://doi.org/10.70922/d8797v42