SA DULO NG LUBID: PAGHILA SA ELEPANTE, KASAMA, AT DAGAT

Authors

  • Arnold Tristan L. Buenaflor University of the Philippines Diliman Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/kz4cba41

Abstract

Hindi ko na muling maisusulat ang ganitong akda.

Napakaespisipiko ng aking kalagayang mental, espiritwal, at emosyunal nang isulat ang akdang ito. Isang sitwasyon na ayoko nang balikan. Ito ay bunga ng pagsagip sa sarili sa mga panahong matindi ang lahat ng balikong porma ng paghila.

Nakatatakot magsulat tungkol sa pangkalusugang mental. Kahit na, sabihin na nating personal na sanaysay ito at may pribilehiyo ako’ng isulat ang aking nararamdaman, nandiyan din ang aking pag-iingat na ‘wag romantisahin ito sa pamamagitan ng pagtago sa mabulaklak na mga metapora at literary technique. Hindi magkakamali ang mambabasa na ito ay paksa na tumatalakay sa pangkalusugang mental.

Ngunit, ito ay patungkol din sa natagpuang mapagpalayang porma ng paghila. Pag-asa. Sa pagsasanaysay ng pag-asa ko itinuon ang kontra-hila sa akda. Binigyan ko ng pangalan ang mga tao at lugar na sumagip sa akin dahil ito ang mahahalagang paghila na madalas na nakakalimutan. Ito ang mga paghila na may halaga. Paghila pataas. Paghila pasulong.

Author Biography

  • Arnold Tristan L. Buenaflor, University of the Philippines Diliman

    Instruktor mula sa UP Baguio, nagtuturo ng mga subjects sa ilalim ng Departamento ng Wika, Panitikan, at Sining. Sa pamantasang ito rin siya nagtapos ng kolehiyo noong 2019 ng may degree sa Language and Literature. Kasalukuyan din siyang isang gradwadong estudyante sa UP Diliman sa ilalim ng MA Malikhaing Pagsulat. Naging fellow siya sa Palihang Rogelio Sicat 15 at Teaching LGBT Literature ng UP Likhaan. Sa labas ng pamantasan, siya ang Pangalawang Tagapagsalita ng militant Christian organization na Student Christian Movement of the Philippines at founding chairperson ng Bahaghari UP Baguio. Noong 2018, siya ay nagawaran ng Ignite Brave Award ng Amnesty International Philippines. Siya ay isang bakla at PWD (Psychosocial disability) na manunulat. Ilan sa mga akda niya ay nailathala na sa parehong lokal at internasyunal na mga jounal at publishing tulad ng 8letters, beestung, RFD Magazine, at Likhaan. Ang kaniyang pen name ay TL Javier.

Published

2022-12-31

Issue

Section

Sanaysay/Creative Nonfiction

How to Cite

SA DULO NG LUBID: PAGHILA SA ELEPANTE, KASAMA, AT DAGAT. (2022). Entrada, 8. https://doi.org/10.70922/kz4cba41