KAINGIN AT IBA PANG TULA

Authors

  • Mark Andy Pedere University of the Philippines Diliman Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/asag3s09

Abstract

Ang pagsasaka ay kasaysayan ng kolektibong pakikibaka. Iyan ang natutunan ko sa pagbabasa kina Rogelio Ordoñez at Amado V. Hernandez. Malaki ang impluwensya ng mga akda nila sa akin dahil ang mga boses na mayroon sila ay boses na nakaugat sa pinagmumulan kong pamilya. Senior High School pa lang ako sa PUP Sta. Mesa nang unang makabasa ng mga akda nila. Subalit hindi ko inakala na ang mga taludtod at talata nila ay mas titimo pala sa akin noong unang beses kong madaanan sa Popeye ang mga kapwa mag-aaral na sumisigaw upang singilin si Duterte sa kaniyang notoryus na pamamaslang o EJK. Napatigil ako noon sa pagbaybay ng pasilyo. Mabibigat ang kanilang mga salita. Nanghihimok. Nagpapakilos. Ipinaaalala sa akin ang dahilan ng aking pag-iral.

Author Biography

  • Mark Andy Pedere, University of the Philippines Diliman

    Mula sa Taguig City. Ang kaniyang panulat ay pangunahing umiikot sa mga paksang pampersonal patungong panlipunan: naratibo ng kabaklaan, karanasan sa “looban,” at mga absurdong eksena mula sa pakikipagsapalaran sa sinimenteryong urban. Kasalukuyan siyang mag-aaral ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman at Asst. Kultura Editor sa KALASAG.

Published

2022-12-31

Issue

Section

Tula/Poetry