ANG TAO SA LOOB NG ANINO

Authors

  • Efren R. Abueg Polytechnic University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/wgxj5476

Abstract

Nagpupunta na ako noong kalagitnaan ng 1968 sa matandang gusali ng Philippine College of Commerce (PCC) sa may Lepanto, Maynila (likod ng University of the East (UE) na paharap sa Far Eastern University (FEU)) at “nakikipaghuntahan” sa loob ng opisina ng pangulong Dr. Nemesio E. Prudente sa mga kapwa propesor mula sa iba-ibang pamantasan sa Kalakhang Maynila. Apat na taon na akong nagtuturo noon sa Manuel L. Quezon University (MLQU) sa R. Hidalgo sa Quiapo pagkaraang maging presidente ako ng ng popular noong Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik (KADIPAN 1962-64), binigkis na editoryal ng mga seksiyong Pilipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Kalakhang Maynila. Lagi ako sa PCC dahil waring naghahanap ako ng progresibong unibersidad na mapagtuturuan tulad ng iba pang mga propesor na galing sa University of the Philippines (UP) ang karamihan. Nasa “ituktok” na noon ang aktibidad ng tinatawag na mga progresibo’t makabayang organisasyon ng mga estudyante sa Maynila at sa mga karatig. Hindi ko pa alam noon na ang lagi naming kausap na si Dr. Prudente ay tubong-residente ng Rosario, Cavite—ang bayan ng mga Abueg. Siya rin ang kaswal na nagsabi sa akin na kamag-anak ko siya nang nagtuturo na ako sa PCC bilang part-time.

Natuklasan ko nang malaon ang sanhi kung bakit hindi ko nakatagpo noon si Cesario Y. Torres (lalong kilala bilang Ka Cesar at Ka Saryo). Nabilanggo pala siya at pinalaya lamang noong Enero 4, 1970 mula sa huling nilipatan niya (Camp Murphy na naging Fort Bonifacio malaon). Magiging estudyante siya sa PCC pagkalaya (1970) at propesor sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) pagkaraan ng ilang taong pag-aaral. Nasa hayskul siya nang mabilanggo at kailangang makapagtapos sa kolehiyo bago makapagturo.

Author Biography

  • Efren R. Abueg, Polytechnic University of the Philippines

    Batikang manunulat, kritiko, at tagasalin na nakilala dahil sa kanyang mga obrang Dilim sa Umaga, Habagat sa Lupa, at Dugo sa Kayumangging Lupa. Siya ay isa sa mga orihinal na miyembro ng makasaysayang antolohiyang Mga Agos sa Disyerto. Bilang isang akademiko, si Abueg ay nagtapos ng Masterado sa Wika at Panitikan mula sa Pamantasang De La Salle. Ang kanyang Doktorado sa Wika at Pagsasalin ay nakuha naman niya mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nakapagturo si Dr. Abueg sa Manuel L. Quezon University, Polytechnic University of the Philippines, Pamantasan Lungsod ng Maynila, Ateneo De Manila University, at De La Salle University kung saan siya ay naging tagapangulo ng Departamento ng Panitikan. Siya rin, katuwang si Jun Cruz Reyes, ang nagtatag ng Malate Journal ng DLSU. Premyado siyang manunulat na ilang ulit nang nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Ginawaran siya ng Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas o UMPIL noong 1992.

Published

2023-12-31

Issue

Section

Kasaysayang Pampanitikan/Literary History