SI DOMINADOR B. MIRASOL AT ANG UTOPYA SA AGOS NG KANYANG MGA KATHA, 1960S - 1998

Authors

  • Lenin Karlos Mirasol Polytechnic University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/0fazzc94

Abstract

Tangka ng pag-aaral na ipakilala ang isa sa mga manunulat ng dekada 60 na si Dominador B. Mirasol sa pamamagitan nang pagsasagawa ng kritikal na ebalwasyon at pagsusuri sa kanyang mga hindi napag-aaralang maikling kuwento. Hahatiin sa dalawang bahagi ang pag-aaral na ito. Una, ang istorikal at biograpikal na pagsasakonteksto nang pagiging manunulat ni Dominador B. Mirasol. Pangalawang bahagi ang pagpapakita sa proseso ng pagsusulat ni Ka Domeng at kung paano niya inihayag sa kanyang mga maikling kuwento ang kanyang hangaring utopya para sa mga uring karaniwang naisasantabi sa lipunang Pilipino.

Author Biography

  • Lenin Karlos Mirasol, Polytechnic University of the Philippines

    Guro ng panitikan at sining sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Mababasa ang ilan sa kanyang akda sa antolohiyang Ang Mga Kuwento ng mga Supot sa Panahon ng Kalibugan at Entrada.

Published

2023-12-31

Issue

Section

Artikulo/Article

How to Cite

SI DOMINADOR B. MIRASOL AT ANG UTOPYA SA AGOS NG KANYANG MGA KATHA, 1960S - 1998. (2023). Entrada, 9. https://doi.org/10.70922/0fazzc94