RED FLAG

Authors

  • Hannah A. Leceña Philippine High School for the Arts Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/7evwxh86

Abstract

Paano nalikha ang proyektong ito? Sabihin na lamang natin na tama si Shakespear, ang mundo ay isang malaking entablado, isang tanghalan, at kay dami nang nangyari na hindi puwedeng kalimutan, mga nangyayari na kailangang tandaan at mga pangyayari na kailangang bantayan, nakabukas man ang tabing o hindi, patay man ang ilaw, wala mang mga manonood, o kahit takot man sila magsalita o umiyak o makisimpatya sa mga tauhang pinakulong at pinahuli at pinaratangan. Isinulat ko ito upang tiyaking kahit wala na ang tanghalan, ang mga libro ang magsisilbing entablado ng mga katotohanang aking isinasalaysay, ang tekstong ito naman ang magsisilbing sisidlan ng alaala ng mga kaganapan, mabuti man o hindi, masaya man o malungkot, mapait man o matamis ang ikinikintal na gunita.

Author Biography

  • Hannah A. Leceña, Philippine High School for the Arts

    Nagtuturo ng Malikhaing Pagsulat sa Philippine High School for the Arts Makiling Los Baños, Laguna, at nag-aaral ng PhD in Malikhaing Pagsulat sa UP- Diliman. Siya ay spoken word performer mula sa Kiamba Sarangani, Rehiyon 12. Nakapag-perform siya sa Perfurmatura 2020 at 2023 ng Cultural Center of the Philippines. Fellow siya ng mga writing workshop tulad ng Davao Writing Workshop, Silliman National Writing Workshop, IYAS National Writing Workshop, Kritika La Salle, Iligan National Writing Workshop, 5th Amelia Lapeña Bonifacio Writing Workshop, Gemino Abad Seminar-Workshop for Teachers in Creative Writing at Palihang Rogelio Sicat. Ang kanyang Sugilanon ay nakatanggap ng Jimmy Balacuit Literary Awards for Fiction, Satur Apoyon Prize First Place taong 2020 at 2023. Itinanghal na 2nd Place sa PNU-Normal Awards ang kanyang Nobelang Pangkabataan na Tandong at Grand Prize Winner sa Lampara Prize, Middle Grade Category ang nobelang Si Duday Taga-Baybay. Mababasa ang kanyang mga katha sa Diliman Review, Dx Machina Volume 5, Luntian Online Journal, Kawing Refeered Journal, Anti-Katha ng Philippine Writer Series, AGOS Refeered Journal, TLDTD, Dagmay, Takos Refereed Journal, Santelmo Liwanag sa Dilim at iba pa. Awtor siya ng Jonas: Nobela sa Wikang Sebwano at recipient ng Publication Grant 2022 sa ilalim ng National Book Development Board.

Downloads

Published

2023-12-31

Issue

Section

Dula/Play