PEN NAME: KASAL SA PAPEL

Authors

  • Arnold Tristan L. Buenaflor University of the Philippines Rural High School Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/wt0kv142

Abstract

Noong 2013, inilathala ang “Anong Pangalan Mo Sa Gabi? At iba pang tanong sa mga LGBT” nina Tetay Mendoza at Joel Acebuche (bilang mga editor). Maikli lamang ang libro at tinatalakay nito ang ilang mga popular na katanungan ukol sa buhay LGBTQIA+++.

Nagsilbing inspirasyon sa akin ang pamagat ng librong ito: pangalan. Sa mata ng pangkaraniwang mamamayang Pilipino marahil, ang LGBTQIA++ ay nalalagom lang sa dalawa: tomboy (kolokyal na termino para sa lesbiyana) at bakla. Walang trans trans, walang queer queer; lahat yan ay bakla o tomboy lamang.

Makapangyarihan ang pangalan. Bilang writing prompt man o sa reyalidad sa lipunan. Bilang writing prompt, nais ko’ng ihapag ang iba’t ibang mga pangalan ko at ng aking karelasyon sa mga bahagi ng aming buhay. Bilang magkasintahan, nom de guerre, at familyal na kataga. Sa partikular, may pagpokus ako sa pinanday na pangalan ko bilang manunulat. Kung paanong hinubog ito na iniisip ang protesta para sa rekognisyon ng estado sa pagmamahalan namin ng aking karelasyon.

Author Biography

  • Arnold Tristan L. Buenaflor, University of the Philippines Rural High School

    Si Arnold Tristan L. Buenaflflor, o mas kilala bilang Trist’n, ay isang Instruktor at unyonista mula sa UP Baguio, nagtuturo ng mga subjects sa ilalim ng Departamento ng Wika, Panitikan, at Sining. Kasalukuyan din siyang isang gradwadong estudyante sa UP Diliman sa ilalim ng MA Malikhaing Pagsulat. Naging fellow siya sa Palihang Rogelio Sicat 15 , 7th Amelia Lapena-Bonifacio Workshop, Ubbog 2023 Workshop, at Teaching LGBT Literature ng UP Likhaan. Sa labas ng pamantasan, siya ay naging Pangalawang Tagapagsalita ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) at founding chairperson ng Bahaghari UP Baguio. Noong 2018, siya ay nagawaran ng Ignite Brave Award ng Amnesty International Philippines. Siya ay isang bakla at PWD (psychosocial disability) na manunulat. Siya ay miyembro ng The Writer’s Bloc, Manunulat sa Kordi, at Ubbog Cordillera Writers. Itong nakaraan lamang, siya ay ginawaran bilang Grand Champion sa 2023 Salanga Prize ng Philippine Board on Books For Young People. Ang kaniyang pen name ay T. El.

Published

2023-12-31

Issue

Section

Sanaysay/Creative Nonfiction