SEWING KIT RAID KAY NANAY ORANG

Authors

  • Jason Federigan Pozon University of the Philippines Rural High School Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/zjytk394

Abstract

Para kanino? Bakit? Paano ako nagsusulat? Hindi ko pa rin masasagot sa pinakamadaling pamamaraan ngunit sapat na ang mga naisalaysay ko upang masabi na, may tunguhin na rin ang aking pagtatangka sa pagsulat mula noon hanggang ngayon.

Naisulat ko na ang pag-angkin ko sa aking identidad, napaghilom ko ang mga personal na sugat, naitala ko na ang mga danas ng kababaihan sa sektor paggawa, nakapagsimula na akong magsanaratibo ng mga ‘Human condition’ na may tutok sa politika, kapitalismo at kasarian. Ano na ang susunod? Kailangan ko pa ng mas maraming retaso na pagtatagni- tagniin na alam kong matitisod ko pa sa aking piniling daan, ang pagsusulat upang makapagmulat.

Author Biography

  • Jason Federigan Pozon, University of the Philippines Rural High School

    Katuwang na propesor at nagtuturo ng Panunuring Pampanitikan at Introduksyon sa Pagsasalin sa Mataas na Paaralang Rural ng Unibersidad ng Pilipinas (UP Rural High School) sa ilalim ng Kolehiyo ng Agham at Sining sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Siya ay nagtapos ng Bachelor in Secondary Education major in Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU-Manila) noong 2014. Nagtapos ng MA Malikhaing Pagsulat at kasalukuyang kumukuha ng PhD Malikhaing Pagsulat sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Fellow ng 6th Cordillera Creative Writing Workshop sa UP Baguio (2018); Ika-13 Palihang Rogelio Sicat sa UP Los Baños (2019); UST National Writers’ Workshop (2022); at Ika-4 na Palihang Bienvenido Lumbera sa Salin ng UP Institute of Creative Writing ng UP Diliman. Nakapaglathala ng mga malikhaing ‘di-katha sa mga literary refereed journal ng Sentro sa Wikang Filipino UP Diliman, Cultural Center of the Philippines, Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, at sa iba pang institusyon sa bansa. Kasalukuyan din siyang naglilingkod bilang kalihim ng All UP Academic Employees Union Los Baños at kinikilalang manunulat at guro sa panitikan ng National Book Development Board o NBDB. Patuloy na nagtatangka at tinutuklas ang sarili at isinasabuhay ang katuturan ng kaniyang pag-iral.

Published

2023-12-31

Issue

Section

Sanaysay/Creative Nonfiction