QTL

Authors

  • Lean Karlo Borlongan University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/yc9rxq15

Abstract

Pinagtatakhan ko ang posibilidad ng aktibidad na mula sa telepono ay mangyayari sa totoong buhay. Ang hinuha ko kasi ang challenge sa internet ay sa internet mo lang din gagawin. Ang challenge sa video game ay sa video game lamang din gagawin. Hindi makakatawid ang birtwal sa pisikal. Tho’, syempre, iba naman ang mga challenge sa Tiktok na may mauusong sayaw at ang challenge ay magsayaw ka rin at irecord mo at iupload mo rin sa Tiktok.

Hanggang isang araw na naghuhugas ako ng plato ay dinatnan ako ng reyalisasyon na matagal na palang nasa harap ko. Posible ang pagtawid mula birtwal tungong pisikal. Hindi ba ganito ang online shopping? Pipili ka ng bibilhing gamit at makalipas ang ilang araw kakatok na lamang ang kuryer sa bahay. O kung sa mas mabilis pa ay ang pagbook sa Angkas o Grab na ilang minuto lamang ay susunduin ka na. Habang pinagmumunihan ko ito ay may tanong na bumula sa isip ko. Paano kung may app na pwede kang maghire ng killer? Dito na umusbong ang ideya na isulat ang nobelang may pamagat na Qtl, read as kitil .

Author Biography

  • Lean Karlo Borlongan, University of the Philippines

    Gradwado ng BS Food Technology sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at Masterado sa Filipino: Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Kasalukuyan siyang mag-aaral ng PhD Malikhaing Pagsulat sa UPD. Siya ay nagwagi ng unang gantimpala sa maikling kuwento sa 2023 Gawad Bienvenido Lumbera. Mayroon siyang tatlong self-published na libro ng tula: Sansaglit, sa ibang katawan, at Pasakalye. Ang Pasakalye ay finalist sa Madrigal-Gonzales First Book Award at hinirang na Best Book of Poetry in Filipino sa 40th NBDB National Book Award.

Downloads

Published

2023-12-31

Issue

Section

Maikling Kuwento/Short Story