RENTA

Authors

  • Merdeka D. Morales Polytechnic University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/jb8cjm06

Abstract

Produkto ng takdang aralin para sa isang klase ko noon itong “Renta”. Kahingian ng guro sa kurso ang isang katha na umiiba na ang anyo sa panlipunang realismo – ang nakagawiang anyo ng maikling kwento sa Panitikang Pilipino.

Sa pagbabalangkas ng akdang ito, hiniling na unahing isulat ang tagpuan ng kwento. Ipinalarawang maigi ang lahat mula sa mga nakikita hanggang sa mga nadadama, naamoy, nadidinig at kung anu-ano pa na magpapagana sa five senses ng mambabasa. Pagkaraan nu’n, may hamon na pag-isipan ang isang paniniwalang Pilipino (hal. pamahiin, superstisyon etc.) na maaaring isaksak sa kwento na maghuhudyat sa pagpihit nito mula sa realismo patungo sa pantastiko o kahit anong “spekulatibo.”

At dito na magsisimula ang kwento.

Author Biography

  • Merdeka D. Morales, Polytechnic University of the Philippines

    Mas kilala sa tawag na “Dekki,” siya ay kasalukuyang guro ng Filipino at Panitikan sa PUP Sta. Mesa. Siya rin ang Chief ng PUP Center for Creative Writing, at Student Publications Office. Nanilbihan dati bilang Executive Council Member ng National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Literary Arts mula taong 2017 hanggang 2022. Kasalukuyan siyang miyembro ng Philippine PEN at Associate Member din ng National Research Council of the Philippines – Humanities Division. Ang ilan sa kanyang sanaysay at malikhaing mga akda ay mababasa sa anotolohiyang HIMAYMAY: Approaches to Philippine Literature, HIMAYA: Panitikan ng Pagbabanyuhay, Liwanag at Itim: Antolohiya ng mga Malikhaing Akda na Alay sa Alaala ni Teresita G. Maceda (The Philippine Writers Series, 2022), Ang mga Kwento ng mga Supot sa Panahon ng Kalibugan, Sabi ko sa ‘yo tol tara na!, Entrada Journal ng PUP-CCW at kuliti.art. Kapag hindi nakapagsusulat ng mga sanaysay at kwento, gumagawa si Dekki ng komiks.

Downloads

Published

2023-12-31

Issue

Section

Maikling Kuwento/Short Story