ANG BAMPIRA SA HANGGANAN

Authors

  • U Z. Eliserio University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/qzf8aj21

Abstract

Kasama ang “Bampira sa Hangganan” sa binubuo kong koleksyon ngayon na may tentatibong pamagat na “Mga Dakilang Tao.” Nagdududa ako sa sarili ko, dahil baka pare-pareho ang tunog ng mga kwento. Ito ang isa sa mga hamon na kinakaharap ng manunulat ng maikling kwento na hindi siguro naiisip ng nobelista. Mas mainam nga sa nobela na konsistent ang tone, ang diction, dahil, kung kumbensyonal itong nobela, dapat ay dinodomina ito ng isang kamalayan, at kailangang may kaisahan ang kamalayang iyon. Hinihiling sa sinomang gagawa ng koleksyon ng maikling kwento ang varayti, sa punto de bista, sa lunan, sa tauhan. Kailangan ang bawat pyesa sa koleksyon ay bago. Baka nga ang koleksyon ng maikling kwento ang mas may karapatang tawaging “novel.”

Author Biography

  • U Z. Eliserio, University of the Philippines

    Awtor ng mga koleksyon ng maikling kwento at kritisismo. Natanghal na ang mga dula niya sa Cultural Center of the Philippines. Isinalin niya sa Filipino ang mga gawa nina Rousseau, Nietzsche, at Bakunin. Bisitahin ang kanyang website: ueliserio.com/books.

Published

2023-12-31

Issue

Section

Maikling Kuwento/Short Story