ANG LALAKING PANTAY ANG TABAS NG BUHOK SA HARAPAN NG KANYANG MUKHA

Authors

  • Jay Jomar F. Quintos University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/xew9m385

Abstract

Ang kuwentong ito ay isa ring pagpapatianod sa kung ano ang natatanaw at hindi natatanaw. O marahil, isang pagninilay sa kung papaanong hinuhulma ng lipunan at estado ang pananaw-mundo ng mga tao na magkaroon ng aspirasyong umangat sa buhay, mapalaya ang nakagapos na mga kamay, at mabago ang sistema ng daigdig. Batid kong hindi mababago at matutuldukan ng panulat at katha ang nabubulok na rehas na nagpipiit sa karapatan ng bawat isa na huminga ng may dangal at ginhawa, ngunit tinatanaw ko sa kuwentong ito ang layong maisalaysay ang nagsasala-salabid na kuwento ng mga tao na nakilala at naging kaibigan at kung papaanong nililok ng panlipunan, pampolitika, pangkultura, at pang- ekonomiyang suliranin ang galaw at timbang ng kanilang sinapit.

Author Biography

  • Jay Jomar F. Quintos, University of the Philippines

    Guro ng Panitikan at Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ang kanyang mga malikhain at kritikal na akda ay nalathala na sa iba’t ibang internasyunal at lokal na publikasyon.

Published

2023-12-31

Issue

Section

Maikling Kuwento/Short Story

How to Cite

ANG LALAKING PANTAY ANG TABAS NG BUHOK SA HARAPAN NG KANYANG MUKHA. (2023). Entrada, 9. https://doi.org/10.70922/xew9m385