PARALAWOD AT IBA PANG DAGLI

Authors

  • Ronnie M. Cerico Department of Education - Catanduanes Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/dmtdb095

Abstract

Ang akdang Paralawod at iba pang dagli ay sumasalamin sa danas ng mga paralawod o mangingisda at maging ng mga taong nabubuhay sa mga biyaya ng dagat sa isla. Inspirasyon nito ang komunidad na nakaangkla ang kabuhayan sa pangingisda. At dahil hindi palaging namimigay ang dagat- -may mga pagkakataong ito’y nagdadamot dahil sa pagbilog ng buwan o maging nang paghuhuramentado nito dahil sa kalimitang pagbisita ng mga bagyo taon-taon--na nagreresulta sa pagkalunod ng kanilang kabuhayan. Ang nasambit na problema ng mga paralawod ang magiging daan sa pagdagsa pa ng iba pang mas malalang problema na magiging mahalagang sangkap sa proseso ng pagkatha ng may-akda.

Author Biography

  • Ronnie M. Cerico, Department of Education - Catanduanes

    Kasapi ng Bilog Writers’ Circle, samahan ng mga manunulat sa isla-probinsiya ng Catanduanes. Naging fellow siya ng 9th Saringsing Bikol Writers Workshop noong 2019 at Palihang Rogelio Sicat 14 taong 2021. Naitampok na rin ang ilan niyang akda sa Liwayway Magazine; Habi (Zine 2) ng Titik Poetry; Katastropiya (7 Eyes Productions, OPC); at Ani 41, ang opisyal na literary journal ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Published

2023-12-31

Issue

Section

Dagli/Flash Fiction

Most read articles by the same author(s)