BETSINGKO ATBP.

Authors

  • Glen Patrick Camante Polytechnic University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/4rc9cb23

Abstract

Sa una’y nakakapagod, muntik ko na rin sukuan dahil sa init. Nakakawala ng ulirat kapag nalalaspag na ang mga binti at pagbuhos ng pawis kakapadyak. Pero kalauna’y nasanay rin naman. Pagod na may kaakibat na saya. Tsaka ‘to napal’tan ng lukso-luksong pagpapahalaga sa mga tanawing nakikita kahit na mga building at puno lang naman ang nakikita ko dahil nga nasa lungsod lang ako namimisikleta. Nakaranas rin ako ng mga kamote sa mga kalsada o mga panggugulang o ang hindi pagbibigayan sa daan. Nagkakaroon ako ng kamalayan dahil kailangan sa kalsada. Tsaka ko nakita panandalian ang mga nahihinuha ko sa daan. At mas lalong umigting ito nang hatinggabi o gabi ako namimisikleta. Mas taimtim at rinig ko ang mga boses na hindi pangkaraniwang naririnig at nasasapawan ng ingay kapag rush hour, umaga, o katanghalian. Dahil na rin siguro gusto ko ng kapayapaan kahit na alam kong panandalian ko lang siya makakamit sa hatinggabing pamimisikleta.

Author Biography

  • Glen Patrick Camante, Polytechnic University of the Philippines

    Laking Marikina. Kasalukuyan siyang mag-aaral ng digring Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at naging mag-aaral din siya ng Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Filipino noong 2021 sa naturang unibersidad. Kasapi siya sa Alyansa ng mga Panulat na Sumusuong (ALPAS), isang academic organization sa PUP na nagsusulong na palaguin ang panitikan sa loob at labasngpamantasan.Naisalathala na rinangkaniyangtulasaissueNo.5ng TLDTD, online biannual journal.

Published

2023-12-31

Issue

Section

Tula/Poetry