ANG HABI NG HININGA AT IBA PANG TULA

Authors

  • Jose Velando Ogatis-I University of the Philippines Manila Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/z3xtpv47

Abstract

Marso 2020, nagbago ang buong mundo. Dumating ang pandemya ng Covid. Walang nakapaghanda. Marami ang di makapaniwala at sinubukan pa ring paikutin ang mundo nang normal at magtrabaho o mag-aral pero lahat ay walang nagawa. Lockdown. Bawal lumabas. Bawal maglaro. Bawal makipag-date. Bawal humawak. Di mabilang ang ipinagbawal. Siguro kung pwede lang ipagbawal ng gobyerno ang paghinga eh ginawa rin. Pero kung titingnan ang mga nangyari noong pandemya ay para na ring ipinagbawal ang paghinga. Dahil kung susumahin ay makikitang marami sa mga naging hakbang ng gobyerno ay saliwa sa maayos na pamamahala. Di malaman kung lockdown ba o hindi lockdown. Di malaman kung sino ang pwedeng lumabas. Di malaman kung ilang pulgada ba ang dapat maging distansya sa isa’t-isa sa loob ng mga pasilidad at mga sasakyan. Di malaman kung saan tatakbong ospital kapag tinamaan ng sakit. Di malaman kung mapaglalamayan man lang ba ang mga namatay na mga mahal sa buhay. Lahat ay inutusang mamalagi sa bahay at magkulong.

Author Biography

  • Jose Velando Ogatis-I, University of the Philippines Manila

    Kasalukuyang guro sa Departmento ng Sining at Komunikasyon ng Unibersidad ng Pilipinas Manila. Siya ay nagtapos ng kursong BA English Studies: Creative Writing at MA Filipino: Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Siya ang nagtayo ng UP Manila Belle, isang grupong kultural na naglalayong linangin ang mga mag-aaral ng Maynila sa sining ng pagtatanghal. Hilig niya ang pagsulat ng mga video reviews ng mga pelikula, libro, at laruan na makikita sa kanyang Youtube channel na Tambay Reviews.

Published

2023-12-31

Issue

Section

Tula/Poetry

How to Cite

Most read articles by the same author(s)