HINGGIL SA MINA AT IBA PANG PAGHAHALUKAY

Authors

  • Adrian Medina Pregonir Notre Dame of Marbel University Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/9hg24875

Abstract

Isang malaking banta para sa mga may-gahum ang pag-aakda tungkol sa kanila. Marahil may iba’t ibang dahilan subalit ang pinakabuod ng ‘banta’ na naidudulot ng salita sa kanila ay ang paraang mahalukay ang kanilang lagim at mga ‘di-kontroladong axis ng pang-uusig.

Noong 2022, kabilang ako sa mga tumindig at nakipagbuno sa lansangan upang labanan ang Open-Pit mining dito sa South Cotabato partikular na sa bayan ng Tampakan. Operasyon ito ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) na suportado ng pamahalaan na kaalyado rin ng Xstrata Mining Company, ang pinakamalaking multinational mining company mula Switzerland.

Author Biography

  • Adrian Medina Pregonir, Notre Dame of Marbel University

    Isang aktibista at manunulat sa Hiligaynon at Kinaray-a mula sa Banga, South Cotabato. Ang kaniyang mga akda ay lumitaw sa Likhaan, Liwayway, Dx Machina, Ani, TLDTD, Luna Journal at iba pa. Siya ay nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Gawad Rene Villanueva at Gawad Bienvenido Lumbera. Siya ay tagasulong ng panitikan sa katutubong wika sa Southern Mindanao. Sa ngayon, siya ay nakikisangkot sa mga gawaing pangkomunidad.

Published

2023-12-31

Issue

Section

Tula/Poetry

How to Cite