Reporma Sa Pera: Ilang Pagmumuni-Muni Sa Utang, Stock Market, At Kapitalismo
DOI:
https://doi.org/10.70922/k1ndpr45Keywords:
reporma, utang, stock market, kapitalismoAbstract
Binubuo ang sanaysay na ito ng mabusising pagbabasa ng antolohiyang Democratizing Finance, at maikling pagninilay sa pelikulang Sid and Aya. Sa papel, gagalugarin ang kalikasan ng pera, at ang mga maaaring ipatupad na reporma para gawing demokratiko ang akses sa yaman. Susubukan ding magpaliwanag ng ilang terminong may kinalaman sa ekonomiya, stock market, at investment. Sa komprontasyon ng kilusang manggagawa at kapitalismo, hindi maikakaila ang sentral na papel ng pera (kailangang tandaan na ang pera ay hindi kapital, at ang kapital ay hindi simpleng pera). Kailangang mas maintindihan ng ordinaryong Filipino, manggagawa man o hindi, ang pera, lalo na at sa kasakuyang orden ay tila ba lagi siyang kapos na kapos nito.
Downloads
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2024 BISIG

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.