TUNDO: LUNDAYAN NG MATATALINONG MANGGAGAWA

Authors

  • Raul Roland Sebastian Polytechnic University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/kvq2r086

Keywords:

Tundo, Bonifacio, Katipunan, lundayan ng manggagawa

Abstract

Nababanggit sa tuwina ang lugar ng Tundo sa bawat salaysay sa buhay at pakikibaka ni Gat Andres Bonifacio. Hindi rin maiwawaglit ang Tundo kapag pinag-uusapan ang Katipunan o maging ang mga sumunod pang mga organisasyong mapanghimagsik gaya ng Partido Komunista ng Pilipinas noong 1930. Sa artikulong ito, iniuugnay ng may-akda ang habitus o kontekstong panlunan sa mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan at sa partikular ang paghihimagsik na pinasimulan nina A. Bonifacio at iba pang taga-Tundo. Tinutukoy nito ang kalagayan na ang kalakhan ng nananahan sa Tundo ay mga manggagawa, mangingisda at iba pang anakpawis na ayon sa may akda ay maaring magpaliwanag sa radikal at mapanghimagsik na tradisyon ng Tundo.

Downloads

Download data is not yet available.

Author Biography

  • Raul Roland Sebastian, Polytechnic University of the Philippines

    Si Prof. Raul Roland R. Sebastian ay ang tagapangulo ng Kagawaran ng Kasaysayan (PUP). Siya ay nagtuturo ng Kasaysayan, Rizal at Histograpiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at maging sa San Beda College. Kabilang siya sa mga nagtatag at kasalukuyang Sekretaryo ng Samahang Pangkasaysayan ng Tundo (SAKATUNDO), Pangalawang Pangulo ng Philippine Association of Teachers in History and Rizal (PATHRI); at Chapter Commander ng Balangay ng Maypag-asa ng Order of the Knights of Rizal. May-akda ng mga teksbuk gaya ng Historia: Pag-usbong, Pakikitagpo at Pagbubuo ng Kasaysayan: Sagisag ng Kasarinlan. Kasalukuyang tinatapos ni Prof. Sebastian ang kanyang disertasyon.

Downloads

Published

2014-11-15

Issue

Section

Articles

How to Cite

TUNDO: LUNDAYAN NG MATATALINONG MANGGAGAWA. (2014). BISIG, 1(1), 39-49. https://doi.org/10.70922/kvq2r086