Neoliberalismo at ang Kilusang Paggawa sa Pilipinas: Epekto at Pakikibaka

Authors

  • Daisy Arago Center for Trade Union and Human Rights Author
  • R.E. Felicia Polytechnic University of the Philippines Translator

DOI:

https://doi.org/10.70922/8m2xna37

Abstract

Isinagawa noong Oktubre 8-9, 2014 ang isang Pambansang Kumperensya ng mga lider manggagawa, trade union centers mula sa iba’t ibang panig ng bansa at iba pang obrero mula sa plantasyon, minahan, manupaktura, serbisyo at iba pang labor advocates mula sa hanay ng akademya, lawyers, legislators, taong simbahan at iba pang pang mula sa mga organisasyon na nagtataguyod ng karapatang pantao. Ang nasabing kumperensya ay magkatuwang na inilunsad ng PUP Institute for Labor and Industrial Relations (ILIR), ng All UP Workers Alliance at pinangunahan ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) bilang bahagi ng kanilang ika30 anibersaryo ng paglilingkod at pakikibahagi sa pakikibaka ng uring manggagawa at sambayanan. Ang Pambansang Kumperensya ay may temang “Isulong ang Karapatan, Labanan ang Neo-liberal na Atake sa Manggagawa at Kilusang Paggawa” at dinaluhan ng mahigit 100 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang sumusunod na artikulo ay kabilang sa mga tampok na papel na inihapag sa nasabing kumperensya. Ito ay orihinal sa Ingles pero ngayo’y isinalin sa Filipino at inililimbag sa Bisig sa layuning patuloy na ipalaganap sa mga manggagawa at mamamayan ang pangangailangang magkaisa upang labanan ang neoliberal na atake sa manggagawa at kilusang paggawa.

Downloads

Download data is not yet available.

Author Biographies

  • Daisy Arago, Center for Trade Union and Human Rights

    Si Daisy Arago ay kasalukuyang Executive Director ng Center for Trade Union and Human Rights. Organisador, edukador at mananaliksik sa kilusang paggawa sa Pilipinas at maging sa ibayong dagat. Kamakailan, pinangunahan ni Ka Daisy ang pananaliksik sa mga batang manggagawa sa plantasyon sa Mindanao na inilimbag sa aklat na Children of the Sunshine Industry: Child Labor and Workers Situation in Oil Palm Plantations in CARAGA. 

  • R.E. Felicia, Polytechnic University of the Philippines

    Titser at habambuhay na istudyante sa sosyolohiya, ekomomiks, at pagpapaunlad pampamayanan si RE Felicia. Nagtapos ng Masterado sa Pagpapaunlad ng Pamayanan sa University of the Philippines (UP), at Economics sa University of the East (UE). Bukod sa ILIR-PUP, bahagi din siya ng iba’t ibang institusyong pangmanggagawa tulad ng Ecumenical Institute of Labor Education and Research (EILER), at Defend Job Philippines. Napapanood siya bilang Ka Mando sa serye ng mga educational video ng Kwentong Obrero. Sa likod ng kamera, si Sir Mandy ay may kinalaman sa mga dokumentaryong tulad ng Kwadradong Daigdig (tungkol sa globalisasyon), Lupa ay Laya (kasaysayan ng kilusang magsasaka sa Pilipinas), at Proletaryado (kasaysayan ng kilusang manggagawa sa Pilipinas). 

Downloads

Published

2015-11-15

Issue

Section

Articles

How to Cite

Neoliberalismo at ang Kilusang Paggawa sa Pilipinas: Epekto at Pakikibaka. (2015). BISIG, 2(1), 89-124. https://doi.org/10.70922/8m2xna37