Panawagan sa Pagpapasa ng Papel para sa 2025 na isyu
Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala o naisusumite para sa konsiderasyon ng ibang publikasyon o journal ang papel-pananaliksik, elektroniko man o limbag na anyo. Dumadaan sa prosesong double-blind peer review ang mga papel-pananaliksik na ipinapasa kaya naman nararapat na hindi ilagay ang anumang pagkakakilanlan sa kahit saang bahagi ng artikulo. Isasaalang-alang ang mga sumusunod na kahingian para sa isusumiteng artikulo:
- Naka-encode o kompyuterisado (MS Word doc.), doble-espasyo at gumagamit ng font na Arial na 12 ang puntos na binubuo ng 20-30 pahina.
- May lakip na abstrak na nakasulat sa wikang Filipino at Ingles na may 200-300 na salita at susing salita na hindi lalagpas sa apat.
- Nakaayon ang dokumentasyon sa estilong APA 7th edition.
- Maaaring nakasulat sa wikang Filipino o Ingles ang papel-pananaliksik at kung sakaling nasa ibang wika, marapat na isalin ito sa Filipino o Ingles at tanging ang salin ang ilalathala.
- Ang ipapasang artikulo ay maaaring bahagi ng tesis, disertasyon, mga tala, rebyu ng aklat o pelikula, komentaryo o papel na natalakay sa seminar o kumperensiya, at iba pang katulad.
- Maaaring lakipan ng biswal na materyal gaya ng orihinal na kuhang-larawan, ilustrasyon, graph, matrix, mapa at iba pang katulad. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso sa anumang materyal na may karapatang-ari.
- Kalakip ng isusumiteng artikulo ang hindi lalagpas sa sampung pangungusap na bionote o tungkol sa awtor.
Maaaring isumite ang papel sa bisig@pup.edu.ph. Tumatanggap ang Bisig ng mga kontribusyon sa buong taon at inaasahang lalabas ang isyu tuwing Disyembre. Kung may paglilinaw o katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Research Publication Office, Rm. 425, South Wing, Main Academic Bldg., Polytechnic University of the Philippines A. Mabing Campus, Sta. Mesa, Manila.