Politika sa mga Obra ng Pantas ng Pelikulang Pilipino: Ang mga Ideolohiyang Politikal sa mga Pelikula ni Ishmael Bernal
DOI:
https://doi.org/10.70922/46thh427Keywords:
Ideolohikal na Spektrum, Hans Slomp, F.P.A. Demeterio, Ideolohiyang Politikal, Ishmael BernalAbstract
Ang pangunahing layunin ng papel na ito ay matukoy ang mga ideolohiyang politikal sa limang pelikula ni Ishmael Bernal: Manila by Night “City After Dark” (1980); Himala (1982); Broken Marriage (1983); Hinugot sa Langit (1985); at Pahiram ng Isang Umaga (1989). Ang mga nominasyon at gantimpala na natanggap partikular na ang mula sa Gawad Urian Awards na ibinigay ang Best Film of the Decade o ang Best Picture Award mula noong dekada 1970s-1990s ang pamantayan ng pagpili sa mga nasabing pelikula. Bilang hermeneutikong lente, ginamit sa pagsusuri ang ideolohikal na spektrum na may dalawang dimensyon ng Alemang teorisistang si Hans Slomp, na minodipika ni F.P.A. Demeterio sa kanyang librong pinamagatang Ang Mga Ideolohiyang Politikal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ang paggamit sa nasabing lente ay hango sa pananaliksik nina Felicilda at Demeterio (2019) na ginamit ito upang alamin ang mga ideolohiyang politikal sa limang nobela ng Rosales Saga ni F. Sionil Jose. Upang maisakatuparan ang layunin ng pananaliksik, mayroon itong limang substantibong seksyon na isa-isang tinatalakay ang mga sumusunod: 1) pangunahing mensahe at tema ng pelikula; 2) paninindigan ng pelikula tungkol sa kasalukuyan at pagbabago; 3) pagpapahalaga ng pelikula sa indibidwal at estado; at 4) kabuoang ideolohiyang politikal na nakapaloob sa pelikula.
Downloads
References
Baytan, R. (2019). On Bernal’s Homage to Manila: A Review of Joel David’s Manila by Night: A Queer Film Classic. Plaridel, 16(2), 189.
Baytan, R. (2019). The Brave and Ironic Ishmael Bernal.Direk: Essays on Filipino Filmmakers, 113.
Bernal, I. (Director). (1980). Manila by Night [Film]. Regal Entertainment. Philippines.
Bernal, I. (Director). (1982). Himala [Film]. Experimental Cinema of the Philippines. Philippines.
Bernal, I. (Director). (1983). Broken Marriage [Film]. Regal Entertainment. Philippines.
Bernal, I. (Director). (1985). Hinugot sa Langit [Film]. Regal Entertainment. Philippines.
Bernal, I. (Director). (1989). Pahiram ng Isang Umaga [Film]. Regal Entertainment. Philippines.
David, J. (2012). Forum Kritika: A closer Look at Manila by Night: An introduction. Kritika Kultura, 19, 6-13. Demeterio, F.P.A. (2012). Ang mga Ideyolohiyang Politikal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines. De La Salle Publishing House.
Felicilda, J. M., & Demeterio, F. P. A. (2019). Ang mga Ideolohiyang Politikal na Nakapaloob sa Rosales Saga ni F. Sionil Jose. Humanities Diliman, 16(1).
Gawad Urian. Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP). (n.d.). Retrieved March 7, 2023, from https://manunuripelikula.com/the-gawad-urian-awards/#:~:text=Ang%20Gawad%20Urian%20ay%20pagsukat,medium%20at%20sa%20kanyang%20manonood.
Ishmael Bernal. IMDb. (n.d.). Retrieved March 7, 2023, from https://www.imdb.com/name/nm0076075/
Order of National Artists: Ishmael Bernal. National Commission for Culture and the Arts. (n.d.). Retrieved March 7, 2023, from https://ncca.gov.ph/about-culture-andarts/culture-profile/national-artists-of-the-philippines/Santos Jr., B. (2012). Bernal as Auteur: Primary Biographical Notes. Kritika Kultura, 19, 014-035.
Santos, C. A. C. (2018). Buhay at mga Pelikula ni Ishmael Bernal sa Harap ng Batas Militar. Saliksik E-Journal, 7(2), 1-1.
Tolentino, R. B. (2012). Marcos, Brocka, Bernal, City Films, and the Contestation for Imagery of Nation. Kritika Kultura, (19).