Childhood Quarantine: Pagsusuri sa Akdang Ang Misteryo sa Patong-Patong na Damit ni Hulyan Bilang Radikal na Kuwentong Pambata sa Panahon ng Pandemya sa Pilipinas
DOI:
https://doi.org/10.70922/veneec16Keywords:
radikal na kuwentong pambata, bata, Online Sexual Exploitation of Children, pandemya, COVID-19Abstract
Naging daluyan ang panitikan, sa anumang anyo at uri nito bilang isang
salamin ng lipunan sa isang partikular na panahon. Isa na rito ang panitikang pambata na akdang pampanitikan na ang mambabasa ay bata o mga bata. Naging instrumento rin ang panitikang pambata upang ipakita sa bata maging sa matatanda ang tunay na sitwasyon ng mundong kanilang ginagalawan. Ang radikal na kuwentong pambata ay kilala bilang progresibong panitikang pambata na hinihikayat ang mambabasa na makilahok sa pagbabagong panlipunan. Nais ipakita ng papel na ito ang isang radikal na kuwentong pambata sa panahon ng pandemya at ang isang mabigat na krimen na nangyayari sa ilang tahanan sa Pilipinas. Sa pagsusuri gamit ang textual analysis sa akdang Ang Misteryo sa Patong-patong na Damit ni Hulyan na isang radikal na kuwentong pambata sa
panahon ng pandemya, nais ipakita ng papel ang umiigting na Online Sexual Exploitation of Children sa Pilipinas at ang mabigat na karanasan ng mga batang nagiging biktima nito. Tatalakayin din ang ilang obhektibong sitwasyon ng mga batang Pilipino sa panahon ng pandemya bilang lunsaran ng kamalayan sa pagkatha ng mga radikal na kuwentong pambata sa hinaharap.
Downloads
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2022 Social Sciences and Development Review

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
Articles published in the SOCIAL SCIENCES AND DEVELOPMENT REVIEW will be Open-Access articles distributed under the terms and conditions of the Creative Commons Attribution-Noncommercial 4.0 International (CC BY-NC 4.0). This allows for immediate free access to the work and permits any user to read, download, copy, distribute, print, search, or link to the full texts of articles, crawl them for indexing, pass them as data to software, or use them for any other lawful purpose.