Modelo ng Pagdadala: Lapit at Gamit (Burden Bearing Model: Approach and Application)

Authors

  • John Mark S. Distor Polytechnic University of the Philippines Author
  • Henmar C. Cardiño Polytechnic University of the Philippines Author

DOI:

https://doi.org/10.70922/2cj1fg89

Keywords:

Sikolohiyang Pilipino, Modelo ng Pagdadala, lapit (approach), gamit (application), dinadala

Abstract

Ang papel na ito ay may layuning galugarin ang mga angkop at ganap na lapit (approach) at gamit (application) ng Modelo ng Pagdadala ni Dr. Edwin T. Decenteceo (1997, 1999) sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino. Gamit ang Thematic Analysis, tinampok ang matitingkad na tema na hango sa mahigit dalawangpu’t pitong artikulo mula sa iba’t-ibang karanasan,  pananaliksik, at aklat. Ang pitong matingkad na temang nabuo ay ang mga sumusunod: (1) Gamit sa Sikolohiyang Pang-klinikal; (2) Lapit sa Sikolohiyang Pang-klinikal; (3) Gamit at Lapit sa Sikolohiyang Pang industriya; (4) Gamit at Lapit sa Sikolohiyang Pang-edukasyon; (5) Gamit at Lapit sa Komunidad; (6) Gamit sa Psychological First Aid (PFA); at (7) Lapit sa Ispiritwalidad. Ang Modelo ng Pagdadala ay maari pang pagyabungin dahil ito ay hango sa karanasan nang mga Pilipino at ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang kuwentong dinadala. 

Downloads

Download data is not yet available.

Author Biographies

  • John Mark S. Distor, Polytechnic University of the Philippines

    Si G. JOHN MARK S. DISTOR ay isang Associate Professor V at dating Director sa Office of the Student Services, at Chairperson ng digradwado, masterado, at doktoradong programa ng Sikolohiya sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Siya ay nakapagtapos ng B.S. Industrial and Organizational Psychology, Master in Psychology major in Industrial Psychology, at Doctor in Business Administration sa PUP. Siya din ay nakapagtapos ng Doctor of Philosophy in Psychology major in Educational Psychology, Summa Cum Laude sa La Concolacion University of the Philippines. Siya ay nakapagturo na ng Sikolohiya at Pamamahala ng Negosyo sa ibat-ibang Unibersidad sa bansa. Siya ay naging Tagasuri at Editor, at nakapaglathala na sa ibat-ibang lokal at internasyonal na Journals. Karagdagan, siya din ay isang National Lecturer para Psychometrician board examination, Regional Quality Assurance Assessor ng Commission of Higher Education (CHED), National Accreditor ng State Colleges and Universities sa Pilipinas, Consultant ng Human Resourse and Organizational Development ng mga pribado at gobyerdong institusyon, Certified Assessor ng ISO 30414:2018 Human Capital Reporting, at Certified Six Sigma Yellow Belt.

  • Henmar C. Cardiño, Polytechnic University of the Philippines

    Si G. HENMAR C. CARDIÑO ay isang Registered Psychometrician at isa sa mga kinilala ng Psychological Association of the Philippines (PAP) bilang Certified Specialist in Industrial Psychology at Assessment Psychology. Siya ay kasalukuyang kumukuha ng Doctor of Philosphy in Psychology major in Industrial Psychology minor in Clinical Psychology sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), kung saan siya ay nakapagtapos din ng Master in Psychology Major in Industrial Psychology. Kumuha din siya ng Diploma in Industrial Relations sa University of the Philippines (UP)-Diliman, at nakapagtapos ng B.S. Psychology Major in Guidance and Counseling sa University of Caloocan City. Siya ay kasalukuyang nagtuturo bilang Instructor 3 sa Department of Psychology ng University of Santo Tomas, at kumakatawan bilang Pangalawang Pangulo ng PUP-Ugnayang Samahan sa Dalubisipan (PUP-USaD), Ingat-Yaman ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), at Tagapayo ng Tatsulok-Alyansa ng mga Mag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino.

Downloads

Published

2024-11-28

How to Cite

Modelo ng Pagdadala: Lapit at Gamit (Burden Bearing Model: Approach and Application). (2024). Social Sciences and Development Review, 14(1). https://doi.org/10.70922/2cj1fg89