Pagbasa sa Learning from the Filipino Diaspora: Lessons of Resistance and Critical Intervention ni E. San Juan Jr
DOI:
https://doi.org/10.70922/33xmq060Abstract
Kritikal na tinalakay sa koleksyon ng mga sanaysay mula sa akdang Learning from the Filipino Diaspora: Lessons of Resistance and Critical Intervention ni E. San Juan Jr. na ipakilala ang pag-aaral ng panitikan sa pamamagitan ng lente na historical-materialist mula sa penomena ng diasporang Pilipino. Sa ganitong lagay, nagkaroon ng reoryentasyon sa sensibilidad ng bawat Pilipino ukol sa indibiduwal na gampanin ng mga ito sa lipunan na may pangangailangang muling mabalikan ang historikal na pagsasalokasyon bilang miyembro ng estado at lipunang Pilipino. Mahalagang kontribusyon ang puna ng may akda sapagkat mapagmulat ito sa sitwasyon mula noon hanggang sa kasalukuyan ng mga manggagawang Pilipino na nangingibang bayan upang magkaroon ng pantustos sa kanikanilang pamilya ngunit walang katiyakan at seguridad ang buhay laban sa eksploytasyon at pang-aabusong inaani sa ibang bansa. Bilang malaking bahagdan ng populasyon ng mga Pilipino ang lumilipad sa iba’t ibang dako ng mundo upang manilbihan, tahasang tinalakay ng akda ang gampanin ng mga ito bilang ‘milking cows’ ng pamahalaan dahil sa kapalit na remittance na bumubuhay sa ekonomiya ng bansa at bilang kapalit na mabansagang mga ‘bagong bayani’ kahit pa kabi-kabila ang balita ng pang-aabuso, panggagahasa at pagpatay sa kanilang hanay.
Downloads
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Mary Joy Sawa-an (Author)
![Creative Commons License](http://i.creativecommons.org/l/by/4.0/88x31.png)
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.