Rosas: Kulay at Kilusan

Authors

DOI:

https://doi.org/10.70922/xttaq678

Keywords:

rosas, Kilusang Kulay Rosas, Leni Robredo, maganda

Abstract

Masalimuot ang kasaysayan ng rosas bilang kulay. Samu’t sari ang mga pagpapakahulugan na ikinabit dito ng iba’t ibang grupo tulad ng mga feminista, mga may kanser sa suso, komunidad ng LGBTQ+, at sosyalista, bago ito tuluyang nakapasok sa Pilipinas. Sa konteksto ng pampanguluhang halalang 2022, ang rosas ay nagbagong-anyo bilang kilusan na umiinog sa kandidatura ni Leni Robredo, na maaaring bansagan bilang “Kilusang Kulay Rosas.” Liban sa panimulang pagsasakasaysayan sa pulitika ng kulay rosas sa kontekstong pandaigdig at pambansa, layunin ng sanaysay na ito na ilarawan ang Kilusang Kulay Rosas sa pamamagitan ng paglalapat ng dalumat ng “maganda,” na unang komprehensibong kinonseptuwalisa ng teologong si Jose de Mesa. Ang kagandahang panlabas nito sa anyo ng mga sining (tula, komiks, awit, sayaw, pinta, dula, laruan, laro) at bolunterismo ay estetikal na manipestasyon ng etika ng Kilusang Kulay Rosas -- kagandahang panloob ng kilusang naniniwalang mas radikal ang magmahal.

Downloads

Download data is not yet available.

Author Biography

  • Mark Joseph Pascua Santos, Centro Escolar University

    Nagtapos si Mark Joseph Pascua Santos ng Bachelor of Arts in History, cum laude (2015) at Postbaccalaureate in Teacher Education (2017), kapwa mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, at Master of Divinity sa Manila Theological College (2021). Nakapaglathala ng mga artikulo at panunuring-aklat sa mga akademikong dyornal tulad ng Saliksik E-Journal, Dalumat E-Journal, TALA, Talastasan, at Historical Bulletin. May-akda ng aklat na 19 REBYU KONTRA COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring-aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya, at Panitikan, at patnugot ng aklat na Martes sa Escaler at Martes sa Escaler II. Nakasentro ang interes ng kanyang pananaliksik sa indigenization movements o Pilipinisasyon sa akademya tulad ng Pantayong Pananaw at Teolohiyang Pilipino. Nagturo siya sa PUP Departamento ng Kasaysayan mula 2016 hanggang 2019, at sa Departamento ng Agham Panlipunan at Humanidades ng Centro Escolar University mula 2020 hanggang 2023. Kasalukuyan siyang Lecturer sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.  

Downloads

Published

2023-07-10

How to Cite

Rosas: Kulay at Kilusan. (2023). Social Sciences and Development Review, 13(1), 63-97. https://doi.org/10.70922/xttaq678