Ang Pag-usbong ng Ginintuang Panahon ng Panulaang Waray (1900 – 1910): Isang Historikal na Pagtimbang sa mga Siday ni Iluminado Lucente

Authors

DOI:

https://doi.org/10.70922/ejhvbg51

Keywords:

Siday, Araling Samar-Leyte, Imperyalismo, Kolonyalismo, Kasaysayang Pampanitikan

Abstract

Tatalakayin sa papel na ito ang nilalaman ng mga siday ni Iluminado Lucente, bilang dakilang makatang Waray, at bibigyang-interpretasyon ang kalagayang panlipunan at ang ilang mga salik na nagtutulak sa paglikha ng mga ito. Ito ay tangkang pag-uugnay sa mga larang ng panitikan at kasaysayan upang makabuo ng imahen ng kalibutang Waray sa panahon at espasyong sinasaklaw ng pagaaral. Ito ay nakabalaybay sa paniniwalang ang kasaysayan at panitikan ay batis ng karanasan, pangyayari, at kamalayan sa pagkatao ng mga mamamayan sa isang partikular na bayan o pamayanan. Upang mahulma ang metanaratibo ng ugnayang panitikan kasaysayan, tutugunan sa papel na ito ang tatlong layunin: 1.) mailarawan ang pag-usbong ng panulaang Waray sa unang bahagi ng Siglo 20 (1900 -1910) sa pamamagitan ng paglalahad ng mga pangyayaring nagtulak sa pag-unlad nito, 2.) mabigyang pakahulugan ang mga pangyayari sa kasaysayang mababakas sa mga siday ni Iluminado Lucente na naisulat sa panahong saklaw ng pag-aaral, at 3.) maipaliwanag ang kabuluhan ng pagsusuri sa mga siday ni Lucente at ang pag-uugnay nito sa kalagayang panlipunan sa panahong pinagaaralan sa kasalukuyang estado ng lipunang Waray.

Downloads

Download data is not yet available.

Author Biography

  • Ian Mark P. Nibalvos, Samar State University – Paranas Campus

    Si IAN MARK P. NIBALVOS ay guro ng Filipino ng Samar State University – Paranas Campus. Nakapagtapos siya ng masteradong kurso sa Filipino sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas at kasalukuyang kumukuha ng kursong Doktor ng Pilosopiya sa Araling Pilipinas sa Tri-College ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Isa siyang mananaliksik at tagasalin. Kabilang sa kaniyang mga interes sa pananaliksik ay mga paksang may kinalaman sa Panitikang Waray o Panitikan ng Pilipinas, kritisismong pampanitikan, kultura, identidad, at wika. Ang ilan sa kaniyang mga papel pananaliksik ay nailathala na sa iba’t ibang journal tulad Malay ng De La Salle University, Hasaan: Ang Opisyal na Refereed Journal sa Filipino ng University of Santo Tomas, Scientia: The International Journal on the Liberal Arts ng San Beda University, Bannag: A Journal of Local Knowledge ng University of Saint Louis – Lungsod Tuguegarao, Dalumat E-Journal ng Networked Learning PH at Social Science Diliman ng Unibersidad ng PIlipinas. Naging bahagi siya ng proyektong “Wow Filipino” ng Vibal Publishing, serye ng teksbuk sa Filipino para sa Junior High School. Napabilang din siya bilang research fellow sa 2nd International Writing Fellowship for Social Health Studies ng Research Center for Social Sciences and Education 2020 ng UST, Nagoya University & Access Health International; PALIHAN: PSLLF-Kawing Journal Writeshop 2021 ng Pambansang Samahan sa Lingguwistika at Literaturang Filipino, Ink (PSLLF); at Linang Kasaysayan 2021: PHA Local History Writing Workshop ng Philippine Historical Association. Nagkamit siya ng karangalan bilang Pinakamahusay na Presentasyon ng Papel Pananaliksik sa Klaster ng Pagsusuri ng Panitikan sa Pambansang Seminar-Worksyap 2021 ng De La Salle University at itinanghal din bilang Best Paper Presenter sa Unang Pambansang Kumperensiya sa Buwan ng Panitikan 2022 ng Leyte Normal University.

Downloads

Published

2024-11-26

How to Cite

Ang Pag-usbong ng Ginintuang Panahon ng Panulaang Waray (1900 – 1910): Isang Historikal na Pagtimbang sa mga Siday ni Iluminado Lucente. (2024). Social Sciences and Development Review, 16(1), 131-153. https://doi.org/10.70922/ejhvbg51