Paghalungkat ng mga Ugat: Ang Paggalugad at Pagsipat sa Pagpili ng mga Artikulong Nailathala sa Dalumat E-Journal mula 2010 hanggang 2022
DOI:
https://doi.org/10.70922/q6tn1d32Keywords:
Dalumat E-Journal, Diskurso, Intelektuwalisasyon, Refereed Journal, PublikasyonAbstract
Nakatuon ang pananaliksik sa paggalugad ng naging proseso sa pagpili ng mga artikulong nailathala ng Dalumat E-Journal (DEJ) ng Networked Learning PH mula 2010 hanggang 2022. Naging inspirasyon ng nasabing pag-aaral ang paggalugad ni Eilene Narvaez ukol sa kabuuang proseso ng pagpili sa Salita ng Taon. May disenyong Mixed Method ang nasabing pananaliksik. Sinuri ng mananaliksik ang lahat ng artikulong nasa opisyal na website ng Philippine E-Journals. Gamit ang Critical Discourse Analysis, nagkaroon ng pagkakataon ang mananaliksik na suriin at basahin ang lahat ng salik na nakaaapekto sa pagpili ng mga artikulong nailathala sa DEJ gaya ng paraan ng pagsulat ng pamagat, introduksiyon, at wakas. Idinagdag din dito ang pagsusuri sa kaligiran ng mga kontribyutor maging ang pagbusisi sa bibliyograpiya ng mga artikulong nailathala ng DEJ. Sa kabuuan, mainam pa ring pagnilayan ng mga mambabasa man o nais na maging kontribyutor ang mga rekisitios bago makapagsulat— ang pagbasa, pagsulat, at paglalathala. Higit pa rito, malaking tulong na magkaroon ng malalim na kamalayan ang mga mambabasa, mga mananaliksik, at mga mamamayang Filipino tungkol sa kahalagahan ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Marapat na maunawaang nakasalalay lamang din sa mga gumagamit ang katuparan nito. Makikitang hindi man madali ang proseso ng intelektuwalisasyon, malaking tulong pa rin ang maliliit na hakbang gaya ng paglalathala ng pananaliksik gamit ang sariling wika at konteksto ng bansa upang maisakatuparan ito.
Downloads
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Jessica May S. Reyes, LPT, MA Ed, Vasil A. Victoria, Ph.D (Author)
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.