Balik-Kilatis sa aking Pagsusulong ng Kritikal na Pilosopiyang Pilipino (Critical Retrospect on my Pursuit of Filipino Critical Philosophy)
DOI:
https://doi.org/10.70922/6c4xm985Keywords:
Kritikal na Pilosopiyang Pilipino, Balik-Kilatis, Metapilosopiya, Araling Pilipino, Self-Reflexive na PananaliksikAbstract
Tinutugunan ng papel na ito ang kakulangan ng sistematikong self-reflexive na pagsusuri sa loob ng pilosopiyang Pilipino (PP), partikular hinggil sa pag-usbong, konsolidasyon, at potensiyal na pagma-mainstream ng kritikal na pilosopikyang Pilipino (KPP). Sa halip na maglatag ng pangkalahatang kasaysayan ng KPP, inilulugar ng pag-aaral ang sariling intelektuwal na landas ng may-akda bilang isang kongretong kaso ng aktuwal na pagsasagawa ng kritikal na pamimilosopiya sa Pilipinas. Ginamit ang balik-kilatis bilang pangunahing metodolohikal na balangkas, isang self-reflexive, kritikal, at normatibong lapit na humihimay at humahatol sa sariling intelektuwal na praktika. Sinuri ang personal na karanasan, mga naisulat na akda, at dokumentasyon sa pamamagitan ng historikal na rekonstrukyson, tipolohikal na pagsusuri, at metapilosopikal na pagkikilatis. Natukoy ang apat na tipolohiya ng KPP, metapilosopikal, pampolisiya, ideolohikal, at historikal, na may malinaw na pagkakaiba batay sa paksa at tunguhin, bagama't may malawak na overlap sa metodo at teorya. Ipinakita rin ang organikong ugnayan ng KPP sa araling Pilipino (AP), pati ang papel ng pananaliksik, pagmementor, at research governance sa pagpapalakas ng KPP. Iginigiit ng papel na ang pag-unlad at pagpapamainstream ng KPP ay nangangailangan ng sinadyang estratehiya sa pokus ng paksa, metodolohikal at teoretikal na inobasyon, at integrasyon ng pananaliksik at institusyunal na praktika. Sa ganitong diwa, ang balik-kilatis ay inihahain bilang lehitimong ambag sa kolektibong pagpapatatag ng KPP bilang isang buhay at naipapamanang tradisyon.
Downloads
References
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Feorillo Petronillo Iii Demeterio, FPA Demeterio III (Author)

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
Articles published in the MABINI REVIEW will be Open-Access articles distributed under the terms and conditions of the Creative Commons Attribution-Noncommercial 4.0 International (CC BY-NC 4.0). This allows for immediate free access to the work and permits any user to read, download, copy, distribute, print, search, or link to the full texts of articles, crawl them for indexing, pass them as data to software, or use them for any other lawful purpose.
