Makibeki, ‘Wag Mashokot: Ang Pagrampa ng Grupong Bahaghari para sa Kanilang mga Karapatan (Makibeki, ‘Wag Mashokot: The Marching of LGBTQIA+ Group Bahaghari for their Democratic Rights)

Authors

DOI:

https://doi.org/10.70922/7ezh6a45

Keywords:

Bahaghari, kilusang LGBTQIA+, militanteng organisasyon, pagkilos, pambansa-demokratiko

Abstract

Buhay at nananatiling makabuluhan ang kilusang LGBTQIA+ sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, patuloy na umiigpaw ang mga bakla mula sa mga kahon at estereotipikal na paglalarawang nagkukulong sa kanila. Makikita ito sa iba’t ibang anyo, mula sa taunang pagdadaos ng Pride March hanggang sa pakikisangkot ng mga bakla sa mga pulitikal na gawaing naggigiit ng kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga progresibong organisasyong kagaya ng Bahaghari. Ang papel na ito ay paglalatag ng kasaysayan, kalikasan, layunin, at kampanya ng grupong Bahaghari bilang isang militanteng organisasyon ng mga LGBTQIA+. Kinapanayam ng mananaliksik ang dalawang mataas na opisyal ng Bahaghari, na pinili batay sa kanilang awtoridad at malalim na karanasan sa kilusang LGBTQIA+, at sinuhayan ito ng mga impormasyon mula sa opisyal na praymer at opisyal na Facebook ng organisasyon na naglalaman ng mga tindig ng grupo sa iba’t ibang isyu. Layunin ng pananaliksik na ito na makapag-ambag sa mga pag-aaral na tumatalakay sa kilusang LGBTQIA+ sa Pilipinas na posibleng maging tuntungan sa pagsasakaysaysan ng panlipunang pagkilos ng sektor ng mga LGBTQIA+ mula sa hanay ng mga pambansa-demokratikong organisasyon sa bansa. Gamit ang teorya ng RAMPA ni Rowell Madula bilang gabay,  tiningnan ng mananaliksik ang paraan ng pag-aangkin ng mga LGBTQIA+ ng kanilang kapangyarihang rumampa at lumahok sa mga panlipunang gawain na nagsusulong ng kanilang mga karapatan. Sa huli, nasuring higit pa sa mga usaping pangkasarian ang mga kampanya at panawagang isinusulong ng Bahaghari.

Downloads

Download data is not yet available.

References

Downloads

Published

2026-09-30

How to Cite

Barroso, G. J. (2026). Makibeki, ‘Wag Mashokot: Ang Pagrampa ng Grupong Bahaghari para sa Kanilang mga Karapatan (Makibeki, ‘Wag Mashokot: The Marching of LGBTQIA+ Group Bahaghari for their Democratic Rights). Mabini Review, 16(2). https://doi.org/10.70922/7ezh6a45